Greed
The corner of my lips automatically rose a bit. It's time for revenge.
Nagmamadali kong nilingon ang tindera at saka sinabing, "Bilhin ko po lahat ng itim na ballpen niyo."
Sandali siyang nagulat pero nang makabawi, napangiti rin at saka nagmamadaling binalot sa plastik ang limang ballpen.
Pagkaabot niya n'on sa 'kin, kinuha ko agad ang wallet ko sa loob ng bag. Eksaktong pera ang binayad ko.
Nangingiti kong binalik sa loob ng bag ang wallet. Tinanggal ko muna sa plastik ang mga ballpen at nilagay na sa pouch; 'yong plastik, para sa burger. Sinigurado kong nakabuhol 'yon para wala ng matapong sauce. Narumihan tuloy ang iba kong gamit.
Tatalikod na sana 'ko para umalis na nang tawagin ako ng classmate ko, "Eizerete?" Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at sumalubong sa 'kin ang maamo niyang mukha at ang maigsi niyang buhok na hinahangin. Mapagbalat-kayo!
Simple lang akong ngumiti at saka umalis.
Dumiretso na 'ko sa gate 2. Nag-tap ng ID sa scanner. Naglakad papuntang Arts Building na nasa kaliwang bahagi ko. Nalagpasan ko muna 'yong Tams Bookstore, 'yong mataas na kulay puting FEU Grandstand, volleyball and basketball area sa open space, at kung ano-ano pa bago 'ko nakarating sa five storey na Arts Building.
Pagkaakyat na pagkaakyat ko sa second floor, nakita kong nakatayo at nakasandal sa pader sina Elisha at Maeven, parehong naka-green institute polo— mga kaibigan ko na kagrupo ko rin sa isang activity. Mas malaki si Maeven kay Elisha at mas mapusyaw din ang kulay ng balat. Mas mahaba at makapal nga lang ang buhok ng huli.
Medyo kunot ang noo ko nang lapitan ko sila. I can't help but sense a bad news. Aligaga at malungkot sila. Parang pasan-pasan nila ang mundo. Nagtataka kong tanong, "Anong mayr'on?"
BINABASA MO ANG
Papuntang Impyerno
Short StoryHabang papasok sa unibersidad sa Maynila, iba't ibang karanasan at tao ang nakasalamuha ni Eizerete na normal na sa araw-araw; lingid sa kaalaman ng dalaga, hindi lahat ng normal na mga bagay na ito para sa kaniya ay dapat ginagawa- ang mga bagay na...
