Wrath

14 5 0
                                    

Wrath

Although the train is making a louder vibrating sound now than a few while, the puff of air that slipped out her lips still makes its way to be heard by my ears. It inevitably offends me. Parang kumulo bigla ang dugo ko.

Marahas kong inangat ang tingin ko sa kaniya. My lips are shaking and so do my hands. Ikinuyom ko ang kamao ko. Damang-dama ko ang mabilis ngunit mabigat kong paghinga.

"Sorry po—" Inangat ko ang nakabuka ko ng kanang palad sa tapat niya, hudyat na pinapatigil ko siya sa pagsasalita. Binawi ko rin naman 'yon dahil sa panginginig nito.

Sakto naman dahil pahinto na rin ang tren. Binalik ko na lang ang tingin ko sa harap.

Pilit kong pinakalma ang sarili. Ilang beses din akong huminga nang malalim hanggang unti-unti ng nawawala ang panginginig ko sa galit.

Huwag mong hayaang sirain ng ibang tao ang mood mo, Eizerete.

Paghinto ng tren at pagbukas ng pinto nito sa tapat ko, dali-dali akong humakbang papasok. Iyong asul na bench sa kaliwang bahagi ng tren ang inokupa ko, sa mismong tabi ng estribo. Para tanaw ko sa labas ang bawat karatula ng istasyon.

Kabisado ko naman. May system din na sinasabi kung ano 'yong kasunod na istasyon. Pero mas okay ng sure na hindi ako lalagpas, 'no.

Napaangat ang tingin ko nang mapansin ang bulto ng babae kanina na umupo sa katapat kong bench. I can't help but shot her a glare. Nananadya ba siya? Sa dinami-raming bagon ng tren at benches, diyan pa talaga siya pupwesto?

Napairap na lang ako at saka niyakap ang bag ko. I settled my eyes on my hands to divert my attention. Iniaangat ko lang ang tingin ko sa tuwing humihinto ang tren para mabasa ko sa labas kung anong istasyon na.

Pagdating sa Monumento Station, sobrang dami na ng tao rito sa loob. Halo-halo na ang amoy. May ibang amoy usok at mayroon ding amoy uwian na.

Nagtataka nga lang akong napatingin sa labas nang mapansing bumagal ang takbo ng tren pagkaandar nitong muli. Normal ba 'to? Ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon. Inaaliw-aliw ko na lang ang sarili ko habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

Ilang sandali pa, biglang huminto ang tren. Halos manlaki ang mga mata ko nang iangat ko ang tingin ko. Nagmamasid-masid ako sa paligid pero lahat sila, kampante lang. So... normal lang 'to?

Sa hindi inaasahan, napatingin ako sa gawi n'ong babaeng estudyante na nakakainis. She gave me a wistful smile that makes me gasp in annoyance. Yumuko na lang ulit ako at saka pinanood ang pag-ikot ng mga kamay sa loob ng relo ko.

At exactly three minutes, umandar nang ulit ang tren. Doon ko nakumpirma na normal lang pala talaga ang paghinto nito. Bakit kaya?

Wala pang Blumentritt Station, napuno na rin ang bagon na kinapapalooban ko.

Napataas ang kilay ko nang mapansing tumayo 'yong babae. Buti naman at aalis na siya— "Gusto niyo pong umupo, kuya?" nakangiti niyang tanong d'on sa lalaking may itim na bag sa harapan niya.

Pinagmasdan ko ang mukha ng huli, he looks drained and dehydrated. Hindi ko na narinig ang sinabi niya nang bumuka ang mga labi niya. Basta'y ngumiti lang siya bago nakipagpalitan sa babae.

Plastik! Napairap na lang ako.

Huminga ako nang malalim para mawala na nang tuluyan ang babae na 'yon sa isip ko. Nakaka-imbyerna kaya!

Kaunting minuto pa, nasa Bambang Station na kami. Lihim akong napangiti. Sa wakas, malapit na 'ko sa FEU!

My first class is scheduled at nine in the morning which is still 30 minutes away from now. Hindi ako male-late. Yes!

Papuntang ImpyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon