Gluttony

20 5 0
                                        

Gluttony

I can't help but bite my lower lip while he is getting nearer to me. Amoy na amoy ko na ang freshly cooked na beef pati ketchup at mayonnaise.

Wala ng patumpik-tumpik pa, kinuha ko na ang atensyon niya. "Kuya! Pabili po," nangingiti kong saad.

Agad siyang lumapit sa 'kin. Tinuro ko naman ang burger na nagkakahalaga lang ng 35 pesos! Tapos, ang laki-laki na.

Nang masuklian niya na ko't makuha ko na ang burger ko, dali-dali kong tinanggal 'yong plastik at saka kumagat. Matik akong napapikit pagkalasa pa lang sa baka. Ang sarap at ang linamnam! Add up the fact na sakto lang din 'yong tamis ng ketchup at mayonnaise na sinamahan pa ng cheese.

Nagsimula na 'kong maglakad papunta sa hagdanan ng Roosevelt Station.

Ilang hakbang din ang ginawa ko bago napadpad sa taas. Pero napahinto rin nang mapagtanto sa kalayuan, bawal nga palang kumain dito! Kaya kahit hindi pa 'ko nangangalahati, binalik ko na lang sa pagkakabalot ang pagkain ko. "Busog naman ako..." bulong ko sa sarili habang dama ang bigat ng tiyan.

No choice, pinasok ko na sa loob ng bag ko ang pagkain. Nang matapos sa ginagawa, naglakad na 'ko palapit sa guard kung nas'an 'yong scanning machine nila para sa bags at mga tao.

Sunod kong dinaanan ay 'yong card scanner. Tapos, dumiretso na 'ko sa escalator na nasa kanang gilid. Nang nasa taas na, dali-dali akong naghanap ng pwesto ko.

Pinili ko 'yong nasa malayo-layo. Hindi naman matao rito dahil first station pa lang. Gusto ko lang makapili ng magandang spot. Para kahit dagsain na ng tao ang loob pagdating sa Monumento, mabilis lang akong makabababa.

A few more minutes, I already saw a southbound train approaching. Maingay ang tunog n'on. It makes me happy as much as it makes me thrilled. Gustong-gusto ko kasing sumasakay sa tren, it's a good expe— "Miss, wala po kayo sa tamang linya," mahinang saway ng kung sino sa 'kin. Kinalabit pa nga 'ko. Natigilan tuloy ako.

A few more seconds, my forehead creases upon realizing what she is trying to say. Hindi ko mapigilang tumaas ang kilay ko nang lingunin ko siya. When my eyes settled on her, napagtanto kong estudyante rin siya katulad ko. She's wearing a uniform with her long hair cascading over her shoulders.

Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko.

Sagot ko sa kaniya sa mababang tono, "Wala naman pong pila rito. Kahit sino, hindi pumipila. Bakit ako lang ang sinasaway mo?" Yumuko ako para tignan kung saan nakatungtong ang mga paa niya. My lips automatically rise a bit upon noticing something. "Wala ka nga rin sa tamang linya oh..."

Papuntang ImpyernoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon