Words of thanks

18 6 0
                                        

Words of thanks

Bawat istoryang aking sinusulat, iba-iba ang halaga ng mga ito sa akin. Nakatutuwa lang isipin na sa paglaon ng panahon, hindi lang basta-basta lumilipas ang araw, nagagawa ko ring subukan ang aking kakayahan upang malaman kung hanggang saan ba ang limitasyon ko. Dahil dito, patuloy akong nakabubuo ng mga akda na mayroong sari-saring aral.

Tulad na lamang ng Papuntang Impyerno, nagawa kong ilatag ang seven deadly sins at ang ilang halimbawa nito— ang mga bagay na maaaring palagi nating nagagawa nang hindi napapansin o nang intensyonal. Ang mga bagay na tila hindi kasalanan o parte ng seven deadly sins pero nagkakamali pala tayo ng akala.

Sa istoryang ito, iba-ibang katauhan at mukha ng katotohanan ang nakaharap ninyo (kung tapos niyo ng basahin) o makahaharap ninyo (kung balak ninyong basahin). May ilang bagay rito na maaaring makita ninyo ang repleksyon ng sarili, kakilala, at/ o ibang tao. At oo, may mga bagay rin na hindi kumportable na basahin... pero, ito ang totong nangyayari sa ating lipunan. Na para sa akin, kinakailangan nating makita, pansinin nang lubusan, at siyasatin kung saan-saang anggulo na masasabihing hindi tama.

Sa huli, ang pinakaninanais lamang ng akdang ito ay ipaalala o iparating ang samu't saring aral sa bawat isa. Na nawa ay maging daan upang unti-unting matuldukan ang mga ganoong gawain. Hindi instant, hindi magagawa ng isang gabi lang. Pero ang bawat hakbang papunta roon ay malaking bagay na.

Yours truly,

MoshieBabes07

Papuntang ImpyernoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon