Lust
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pati ang ngiti ko, sobrang lapad na't para ng mapupunit ang mga labi ko. I feel so thrilled and happy. Gusto kong maging leader dito!
From the previous assessments naman, kahit first year at first semester ko pa lang sa FEU Manila, basta groupings, ako agad ang leader sa team namin. Seeing the results, halata namang nagagampanan ko ang role ko.
At saka kapag ako ang leader? Nakapipili ako kung sino-sino ang gusto kong makasama. Iwas pabuhat!
Hindi kasi tulad kapag member lang, usually ay naghihintay lang ang mga 'yon ng grupong aampon sa kanila o sila ang maghahagilap ng hindi pa kumpletong grupo. Add up the fact na kapag member lang, kahit hindi mo gusto ang makakasama, mapipilitan ka at mananalangin na lang na matapos na agad ang activities.
Ngiting-ngiti kong binasa ang announcement ng prof namin sa group chat sa Messenger. According to him, we will only have five groups with eight members each. And that group that we will be creating will last until the end of the semester.
So far, may dalawa palang akong kaklase na nagbo-volunteer. Ha-ha-ha. Buti naman! Ayaw kong maging member lang, 'no. Marami kayang benefits ang pagiging leader...
Dali-dali akong nagtipa para magpresinta rin. Sakto naman nang pindutin ko ang send button, nag-respond agad ang prof namin na acknowledge na raw ang chat ko. "Yes!" tuwang-tuwa kong sambit.
Agad akong umalis sa GC para isa-isang i-invite 'yong mga kaibigan ko na bukod sa skilled na, mababait at responsable pa.
Nang matapos sa ginagawa, binalik ko na ang phone ko sa pouch. Ipinagitna ko ulit ang hawak sa mga pahina ng big notebook ko. Nang masigurado kong safe na ang mga gamit ko, sinara ko na ulit ang zipper ng bag.
Wala pa atang kalahating oras sa biyahe, malapit na agad mapuno ang laman ng bus. Pero sa kalahating oras na 'yon, pahinto-hinto ang sinasakyan namin dahil sa sobrang traffic. Ang sakit tuloy sa ulo ng biyahe.
"Paupo ako, miss ah," pagpapaalam ng isang lalaki na kasasakay lang.
Tinanguan ko naman siya bilang sagot. Marahan siyang dumaan sa harap ko at saka inokupa ang upuan sa gilid ko. Sakto namang paglingon ko sa bintana, nakita kong wala pa pala kami sa Sauyo! Sa tinagal-tagal ng inupo ko, umiinit na nga ang puwit ko, nasa Bagbag pa lang pala kami! Ang layo-layo pa nito sa katotohanan eh.
"Kalma, traffic lang 'yan," bulong ko sa sarili. Tipong ako lang talaga ang makaririnig.
Masyado kang masaya para palungkutin ang sarili mo, Eizerete. Kasing bagal man ng pagong itong bus, at least, may nasakyan ka. Tama, tama!
Halos mag-iisang oras na ang lumipas bago napadaan sa isang sikat na pamilihan ang sinasakyan kong bus. Ibig sabihin, malapit-lapit na rin kami sa Roosevelt Station.
Napagawi ang tingin ko sa may aisle. Sakto namang nakita ko 'yong isang babae na naka-standing. Mukhang nasa 50s na siya. Dahil masaya naman ako, tinawag ko siya para paupuin. "Ate! Rito na po kayo..."
Agad siyang napalingon sa 'kin. Kita ko ang pagkislap ng mga mata niyang mukhang pagod na. Matik na may humaplos sa puso ko dahil sa nasaksihan.
Nang makasingit na siya mula sa napakasikip na aisle, punong-puno ba naman ng mga taong mukha ng sardinas, agad akong tumayo at nakipagpalit ng pwesto sa kaniya. Panay ang pasasalamat niya sa 'kin na lalong nagpasaya sa puso ko.
Sana, ganito palagi ang buhay. Puro good vibes! Kahit na... amoy uwian na ang mga katabi ko ngayon.
"Paraan po," magalang kong sambit habang sumisingit. Nakatagilid na nga lang ako sa sobrang sikip.
Kailangan ko kasing mapunta sa harap bago pa huminto ang bus. Takot ko na lang na lumagpas ako sa bababaan ko dahil hindi agad ako nakasingit, 'no!
At exactly eight in the morning, nakababa na 'ko sa bus. Bukod sa sinalubong ako ng init, pasok na pasok din sa ilong ko ang alikabok ng paligid. Napangiwi ako habang tinatanaw ang hagdan sa hindi kalayuan, paakyat sa Roosevelt Station.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko nang mapahinto dahil sa narinig na sigaw ng naglalako. "Beef burger, fries, mineral water!"
Hinanap ng mga mata ko ang pinanggagalingan ng boses. Nang makita ko rin sa wakas ang pwesto niya, matik na napaawang ang mga labi ko. My eyes also glittered at the mouthwatering beef burger on his tray. "Ang sarap n'on..."
BINABASA MO ANG
Papuntang Impyerno
Short StoryHabang papasok sa unibersidad sa Maynila, iba't ibang karanasan at tao ang nakasalamuha ni Eizerete na normal na sa araw-araw; lingid sa kaalaman ng dalaga, hindi lahat ng normal na mga bagay na ito para sa kaniya ay dapat ginagawa- ang mga bagay na...
