Untold Story

224 6 2
                                    

Story to be retold: Psyche and Cupid
Genre: Mystery/ Thriller

Paano kung ang alam mong kwento ay hindi pala talaga ang totoong istorya nito? Aalamin mo pa ba ang kwento sa likod nito, o hahayaan na lamang na manatili ang pinaniniwalaan mo.

***
"Salamin, salamin sabihin sa akin, kung sino ang pinakamagandang nilalang sa daigdig."

"Si Psyche na isang mortal, mahal na diyosa ng pag-ibig at kagandahan," tugon ng mahiwagang salamin kay Venus, kasabay nang unti-unting paglabo ng kaniyang imahe na kalauanan ay napalitan ng imahe ng isang napakagandang dalaga-si Psyche-ang mortal niyang kalaban pagdating sa angking kariktan.

"Nagsisinungaling ka lamang, salamin." Sabay tawa nito nang pagak.

"Ngunit pawang katotohanan lamang ang aking sina-"

"Kupido!"

Ilang sandali pa, bigla na lamang lumitaw sa harapan ng diyosa ang isang makisig na binata na may ginintuan buhok-si Kupido, na nang mga sandaling iyon ay hindi magkamayaw sa pagbibilang sa kanyang mga pana sa pangambang, baka nagkulang ito dahil sa kaniyang pagmamadaling makadulog agad sa kaniyang ina.

"Mahal kong ina, ano'ng maipaglilingkod ko sa iyo?" Nakangiting bati niya, matapos masigurong kumpleto ang kaniyang pana. Ngunit ang nakasimangot na mukha ng kaniyang ina ang siyang bumungad sa kaniya. Nasisiguro niyang ang pananaghili nito sa mortal na karibal ang dahilan ng lahat.

"Humayo ka sa lupa aking mahal na anak, gamit ang iyong mahiwagang palaso ng pagmamahal ay panain mo nito si Psyche, siguraduhin mong tatamaan siya nito at iibig sa isang panget na nilalang," utos ng kaniyang ina.

Agad na tumalima sa utos si Kupido at nagtungo sa mundo ng mga mortal. Wala siyang kamalay-malay sa nagbabadyang panganib sa kaniyang kaligtasan.

Habang binabaybay ni Kupido ang kalangitan patungo sa mundo ng mga mortal, isag grupo ng mga itim na salamangkero ang humarang sa kaniyang daraanan, pinamumunuan ito nina Circe-diyosa na ginagawang nakakatakot na nilalang ang kaniyang mga kaaway-at Hekate-diyosa ng mahika at salamangka-na kapwa ipinatapon sa labas ng Bundok Olympus ni Jupiter dahil sa pagmamalabis sa kanilang kapangyarihan.

Si Circe at Hakate ay kapwa nahalina sa alok ni Vulcan-diyos ng apoy at pagpapanday-na sila ay gagantimpalaan ng magandang armas at baluti sa sandaling maisakatuparan nila ang paghihiganti niya sa kaniyang asawang si Venus at sa kapatid nitong si Mars, na kapwa pinagtaksilan siya. Labis na naibigan ng dalawang diyosa ang plano ni Vulcan, ang parusahan si Kupido dahil ginawang nitong paglalaro sa kanilang mga damdamin. Binigyan ni Circe ng nakakatakot na anyo si Kupido habang ginawa naman itong mortal ni Hekate, kasabay ang pagbibitaw ng isang sumpa; ang magmamahal lamang ng wagas sa kay Kupido sa kabila ng kanyang kaanyuan ang tanging makakabali nito at makapagpapabalik sa dati nitong anyo. Bago tuluyang mapakawalan ang sumpa, agad na nakatakas si Kupido mula sa kamay ng mga ito dahil na rin sa pagsugat niya sa kanyang sarili upang maglaho siya sa paningin ng mga ito.

Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Psyche sa kaniyang kwarto, isang 'di pangkaraniwang bisita ang matamang nagmamatyag sa kaniya. Ilang sandali pa ay tila naalimpungatn ito mula sa malalim na pagkakahimbing. Bigla siyang napabaglikwas ng bangon dahil pakiramdam niya ay tila may nagmamatyag sa kaniyang pagtulog. Ngunit wala naman siyang nakita sa loob ng kaniyang silid, liban sa isang hibla ng buhok na kulay ginto na nasa kanyang kumot. Biglang nabalot ng pangamba ang kaniyang puso sa pag-aakalang may lihim na nagmamatyag sa kaniya upang siya ay mapaslang, lalo na nga at marami sa mga taga-Nayon ang nananaghili dahil sa akin niyang kariktan.

Kilala at dinarayo ang kaharian nila Psyche dahil sa aking kariktan niya. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay tila biglang nagbago ang ihip ng hangin sapagkat wala ni isaman mula sa mga ito ang naghangad pa na masilayan ang angkin niyang kagandahan. Tila apoy na mabilis na kumalat ang bali-balita na ang aking kariktan nito ay huwad at nakaw lamang mula sa kaluluwa ng mga kadalagahan sa nayon, na naging dahilan ng pagkupas ng kagandahan ng mga ito. Kahit na hindi pa man napatutunayan ito ay marami nang naniwala na totoo ang balita. Nabalot ng galit ang puso ng mga tao para kay Psyche, dahilan upang pagtangkaan nila itong paslangin upang matapos na ang kababalaghan sa kanilang lugar. Marami na ang nabiktima, marami na rin ang binawian ng buhay dahil sa pagkatuyot ng kanilang mga laman dahil sa paghigop ng kanilang kaluluwa.

Incogni2 Second Strike: RetellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon