***
Halos patapos na naman ang araw at wala man lang patawad si Tim sa pang aasar sakin. Dahil sa nangyari kanina sa cafeteria ay iyon at iyon lang ang ginagamit niya para asarin ako.
"Ang sama mo ginawa ko lang naman iyon para mag selos si Yndira"
"Mag selos? Anong nakain mo at ginawa mo..." tapos nanahimik siya bigla.
Parang tanga lang ang isang 'to, may saltik na ata siya sa ulo. Kung siya lagi ang kasama ko araw-araw tiyak na tatanda ako agad nito.
"Sumama ka mamaya"
"Saan na naman"
"Mag didinner tayo" hindi ko masyadong sineryoso ang sinabi niya kasi alam ko naman na pagtitripan lang niya ko.
"Okay, basta libre mo, bahala ka hindi ako gagastos mamaya"
"Deal"
"Deal!"
***
"Hindi bagay sayo yan, palitan mo nga"
Shit! Pang sampung palit ko na 'to ah, napapagod na kong mag hubad at magsuot ulit ng bagong damit
"Anong bang problema mo sa suot ko ngayon? Okay naman ah! Palibhasa iba ang taste mo"
"Kaya nga palitan mo yan kasi hindi bagay sayo ang suot mo. Hindi ka presentableng tingnana"
"Aba naman..." woooh! Inhale, exhale muna Yera, wag mo agad papatulan ang isang yan, "...ano bang pakulo 'to eh magdidinner lang naman tayo ah"
Pero imbis na sagutin niya ko ay naglabas siya ng pera sa wallet niya at binayaran ang damit na suot ko ngayon.
Pagdating namin sa restaurant ay halos malula ako sa sobrang ganda at elegante ng lugar. Pagbaba palang namin ng kotse ay may mga sumasalubong na samin.
"Bakit dito pa tayo kakain? Pwede naman sa mga fast food chain nalang eh" pero hindi niya ko sinagot. Tsk! Ang sungit.
Nung nasa loob na kami ay hinawakan ni Tim ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa isang table at nung nasa harap na nila kami ay bigla akong na conscious sa klase ng tingin nila sakin. Kaya ba ganun nalang kung papalitan sakin ni Tim ang bawat damit na isuot ko? Hala naman, hindi daw ako presentable sa suot ko ngayon.
Nung nakaupo na kami ay halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil nga nahihiya ako kasi feeling ko bawat galaw ko at tinitingnan nila. Family dinner pala 'to, nakakainis lang at ni hindi man lang niya sinabi sakin hindi tuloy ako prepared. Dumapo ang paningin ko sa lalaking naka polo at tahimik lang na kumakain, ang lakas ng appeal niya sa suot niya at litaw talaga ang kagwapuhan niya. Sa tingin ko nga na ay love at first sight ako. Siniko-siko ko si Tim at tinanong kung sino 'yung lalaking iyon.
"Kuya ko 'yan, wag kang malandi Cassandra may boyfriend kana"
Ang sama niya! Malandi agad? Tinapakan ko nga ang paa niya sa ilalim ng mesa kaya napa aray siya, napatingin tuloy samin ang pamilya niya tapos painosente lang ako. Halos kwentuhan lang ang nangyari sa buong dinner at syempre na hot seat ako lalo na ng mama niya na para bang kilalang kilala niya na ko. Hindi ko na masyadong pinansin ang pinag uusapan nila dahil nakatutok ang atensiyon ko sa kapatid ni Tim at halos mamula ako sa sobrang hiya nung nahuli niya akong nakatingin sakaniya. Kung pwede nga lang magtago sa ilalim ng mesa ay ginawa ko na para lang hindi na niya ko makita pa.
Pagkatapos ng dinner ay hinatid niya ako sa tapat ng bahay habang ngiting-ngiti kasi iniisip ko pa din hanggang ngayon ang kuya niya.
"Baliw ka na ba? Kanina ka pa nakangiti diyan"
BINABASA MO ANG
We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**
Lãng mạnThis book is already available in bookstores nationwide. Grab your copy now! Price: 85.00 pesos Publisher: Lifebooks Sample Chapter inside.