Chapter 17

552 9 5
                                    


***

Ang sakit na ng katawan ko kakalinis at hanggang ngayon na tanghali na ay hindi pa din kami natatapos

"Heto pa, pakidala na lang sa bodega Yera" kumunot ang noo ko

"Kuya pwede naman ikaw na lang eh ang bigat kaya niyan"

Kahit anong pagrereklamo ko ay walang epek sakaniya, bukas na ang birthday ko tapos ganito ang pinapagawa nila sakin pero sabagay mas mabuti na 'to kesa naman na magmukmok ako sa tabi at isipin siya.

Binuhat ko ang box at dinala sa bodega at nung pabalik na ko ng bahay ay may napansin akong babae na patingin-tingin na parang may hinahanap. Nung nilapitan ko siya ay halatang nagulat siya sa bigla kong pagsulpot.

"Sino pong sadya niyo?"

"Kasi..." halatang kinakabahan siya, "...andyan ba si Zen?"

First time atang may naghanap na babae kay kuya Zen. Hindi kaya siya yung babaeng tinutukoy nila dati na first love ni kuya? Kasi balita ko nandito siya ngayon sa Baguio. Nung sinabi kong tatawagin ko muna siya sandali ay pinigilan niya ko dahil aalis na rin daw siya.

"Wag ka ng mahiya ate"

"Pero kasi..."

"Paano niyo maayos yan kung hindi kayo mag uusap"

Nagulat yung babae sa sinabi ko. Confirmed!

Abala pa rin sa paglilinis si kuya sa taas kaya hindi niya napansin na pinapasok ko si ate Trish. Gusto kong malaman ang magiging reaksiyon ni kuya kapag nagkita sila. Nung narinig ko na ang hakbang ni kuya ay nakita kong kinakabahan si ate Trish.

"Magiging maayos ang lahat ate Trish" binigyan ko siya ng assuring smile dahil kahit anong klaseng pagsusungit ni kuya Zen ay alam kong mapapatawad niya si ate Trish kasi mahal siya ni kuya. Deserve nila ang maging masaya, buti nga nag eeffort si ate Trish na maayos ang relasiyon nila pero yung samin ni Tim ay wala man lang nagiging improvement.

Asa naman akong babalikan niya pa ko...

Nung tuluyan ng nakababa si kuya ay kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"Anong ginagawa mo dito"

"Zen..."

Tiningnan ako ni kuya ng masama pero dahil wala na rin siyang ibang choice ay hinarap niya na si ate. Ayoko silang maistorbo kaya umalis muna ako para makapag usap sila ng masinsinan.

Tumambay ako sa may duyan at nagpahangin saglit ng may narinig akong sumitsit. Hindi ko iyon pinansin nung una pero nung hindi tumitigil ang sitsit ay saka na ko bumangon at hinanap kung saan galing yun.

"Ano bang problema ng taong yun" hinanap ko kung saan nanggaling pero hindi ko makita ang taong gumagawa nun.

"Hoy Yera!" napatingin ako sa taas ng puno at nakita ko si Kyle

"Anong ginagawa mo dito?"

"Binabantayan ka"

Ang sarap talagang batukan ng isang 'to.

"At bakit naman? Hindi na ko bata noh"

"Alam ko, HAHAHA!"

"Sige tawa pa"

"Ano namang nakain mo at binabantayan mo ko aber? At saka baka magselos si Aizel sa ginagawa mong yan ah" sinamaan niya ko ng tingin

"Wag ka ngang mangarap diyan"

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon