Chapter 15

556 11 3
                                    


***

Apat na araw na lang ay Christmas party na namin, halos lahat ng mga classmate ko ay abala na sa paghahanap ng susuotin nila sa party kaya kaliwa't kanan na ang yayaan ng mga kaklase ko na pumunta sa mall. Sa totoo lang nawala ang excitement ko about sa party nung nalaman kong hindi si Tim ang magiging partner ko.

Iniyuko ko ulit ang ulo ko at balak ko na sanang matulog pero nung nabasa ko ang text ni Tim ay agad akong pumunta ng cafeteria. Kahit ilang beses akong tinawag nila Mitch ay hindi ko sila nilingon at dirediretso lang ang lakad ko. Nung nakita ko si Tim ay nilapitan ko siya pero nagtataka ko kasi ang tamlay niya ata ngayon.

"Puwede mo ba ko masamahan mamaya Cassandra?"

"Oo naman Tim" nag eexpect pa ko na may iba pa siyang sasabihin pero hindi na siya nagsalita ulit.

Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso kami sa airport at hanggang ngayon ay clueless pa din ako sa nangyayari. Nakikita ko din na parang nag aalala si Tim dahil kanina pa siya aligaga sa cellphone niya at halos hindi niya na mabitawan iyon. Dahil curious na din ako ay nagtanong na ko sakaniya.

"Sinong aalis?" kinabahan ako bigla, hindi kaya siya ang aalis?

"Diyan ka muna Cassandra" iiwan niya na sana ko ng bigla kong hinawakann ang braso niya

"Sabihin mo nga Tim, ikaw baa ng aalis? Iiwan mo na ba ko?"

"Ano ba yang sinasabi mo Cassandra, pupunta lang ako ng banyo saglit"

Binitawan ko agad ang pagkakahawak ko sa braso ni Tim ay nagflash ng awkward na ngiti.

"Gusto mo bang sumama?"

"Asa! Hindi noh, sige na lumayas kana sa harap ko" sabay tawa ng mapang asar

Pero bago siya umalis ay ginulo niya muna ang buhok ko at saka ako hinalikan sa pisngi. Nakakainis! hindi talaga siya nag fi-fail na pakiligin ako.

Nagtataka talaga ko kung sino ba ang aalis o masyado lang ako nag iisip dahil wala naman siguro talagang aalis kundi may darating kaya kami nandito. Nung pagdating ni Tim ay tinanong ko ulit siya.

"May darating ba kayong kamag anak na galling ibang bansa?"

"Wala" tipid niyang sagot

"Eh aalis?"

"Meron..." itatanong ko na sana kung sino yun pero nagsalita na siya, "...si kuya"

Natigilan ako sandali, "Bakit?"

"Pinapabalik na siya ni lola sa Germany"

Bigla akong nalungkot at nung napansin yun ni Tim ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Magkikita ulit naman kayo"

Tumango ako at nung dumating na si Dylan kasama ang isang lalaki ay hindi ko napigilan na yakapin siya. Malulungkot ako ngayon sa pag alis ni Dylan,

"Magiging maayos ang lahat Yera, hayaan mo lang siya na iparamdam sayo kung gaano ka niya kamahal"

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon