***
Nung pag uwi ko sa bahay ay sinabihan ako nila papa na pupunta kami sa bahay nila lola bukas, tutal naman daw ay weekend at para naman makapag relax kami. Pero mukhang hindi ko ata mararamdaman ang pahingang gusto ko kasi nasa biyahe pa nga lang kami ay nakaka stress na dahil sa mga kasama ko.
"Anong klaseng mukha 'yan?" tanong ni kuya Zen
"Paki mo ba!" pag mamataray ko sa kuya ko
Habang nag dadrive si kuya Zeji ay daldal naman ng daldal si kuya Zen sa likod. Ang nakakainis pa ay hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi niya.
"Hoy Yera bakit blooming ka ata ngayon?" biglang sigaw ni kuya Zen
"Bulag ka kuya? matagal na kaya akong blooming"
"Sabihin mo may nagkamali lang na manligaw sayo! Hahaha"
"Aba kuya wala ka atang bilib sa mukhang 'to, magtaka ka kung walang manliligaw sakin"
"Sabihin mo may nagkamali lang. Hahaha" loko talaga ang isang to
"Pwede bang wag kayong maingay" natahimik kami ni kuya Zen nung bigla kaming sinita ni kuya Zeji tapos sila mama at papa naman ay pinagtatawanan lang kami.
"Tol paminsan minsan nga matuto ka namang sumali sa usapan namin ni Yera. Para kang babae magsasalita ka lang kung kelan mo gusto"
"Tanga ka ba kuya Zen, ang mga babae kaya dakdak lang yan ng dakdak kahit walang sense ang mga pinag sasasabi, basta wag lang mawalan ng topic"
"Halata nga Yera" sabay gulo ng buhok ko
Wala rin naman magawa si kuya Zeji dahil isa lang siya at dalawa kami ni kuya Zen sa pag titrip sakaniya at nung nakarating na kami sa bahay nila lola ay sinalubong nila kami agad.
"Apo ang ganda mo ata ngayon" sus! nambola pa si lola tiyak may kailangan 'to mamaya sakin. Nung nakapasok na 'yung dalawa kong kuya at sila mama at papa sa loob ay bigla akong kinurot ni lola sa tagiliran
"Aray lola! Ano na naman po ba ang ginawa ko?" buti wala na yung iba lalo na si lolo dahil kung nakita niya ang ginawa ni lola sakin ay naku, papagalitan na naman siya ni lolo. Ewan ko ba naman kung bakit kung kelan tumatanda na si lola ay saka naman siya nagiging isip bata. Naalala ko tuloy dati nung binigyan niya ako ng regalo at ang sabi niya ay iyon daw ang matagal ko ng hinihingi sa mga magulang ko, so ang nasa isip ko naman ay cell phone kaya lang nung pag bukas ko ay nagulat ako nung tinalunan ng mga palaka ang mukha ko at halos tatlong araw akong hindi nakakain sa sobrang sama ng pakiramdam ko
Pag pasok namin ni lola ay inaya na kaming kumain at ang pang entrada tanong agad ni lola nung kumakain na kami ay...
"May boyfriend ka na ba apo?" napatigil ako sa pagsubo at lumunok ng ilang beses. Si mama lang ang may alam at pag nalaman ni papa lagot talaga ako.
Lahat sila ay hinihintay ang sagot ko.
"Wala po lola, saan niyo naman napulot ang balitang iyan?"
"Meron na yan, nakita ko yan nung isang araw sa school nila at sumakay sa kotse nung lalaki" sinamaan ko ng tingin si kuya Zen.
"Totoo ba yan apo?" biglang na curious si lola sa sinabi ni kuya at ayun nga nasa ot seat na ko. Wag naman sanang mabunyag ang sikreto naming ni Tim hangga't hindi pa natatapos ang kontrata naming.
"Wala pa po siyang boyfriend ma at kung meron man at tiyak na ipapakilala niya samin yung lalaki"
"Sayang naman gusto kong makilala yun"
BINABASA MO ANG
We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**
RomanceThis book is already available in bookstores nationwide. Grab your copy now! Price: 85.00 pesos Publisher: Lifebooks Sample Chapter inside.