***
"Mukhang nakalimutan mo ata ang date natin ngayon"
Napatingin ako kay Dylan at hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa dalawa. Alam kong naghihintay sila ng sagot pero nung tumalikod na si Dylan ay doon na ko nagsimulang makaramdam ng pagkahinayang. Wala na kong pakialam kung ano man ang sasabihin ni Tim sakin, minsan lang naman eh...
Minsan ko lang pag bigyan ang sarili ko sa kung sino ang gusto kong makasama at ngayon mas pinili ko Dylan kaysa kay Tim
Hinabol ko si Dylan at nung nasa harap niya na ko ay mukhang nagulat pa siya dahil hindi niya siguro inakala na sakaniya ako sasama. Ayokong makita ang si Tim at ang reaksiyon niya dahil alam ko na hindi ko magugustuhan ang makikita ko. Sabihin niya ng unfair ako pero iniisip niya ba na ang unfair din niya kapag kasama niya si Yndira habang ako ay nababalewala lang sa isang tabi.
Nang nasa kotse na kami ay panay ang tingin ko sa cellphone ko at nagbabakasakaling ititext man lang niya ako pero kahit anong hintay ko ay wala akong natatanggap na text galing sa kaniya.
Hininto niya ang kotse sa gilid ng daan at nagkatinginan kami
"Yera..." nakakalusaw ang klase ng tingin na pinapakita sakin ni Dylan ngayon, "magiging makasarili ba ko kung hihilingin ko sayo na ako lang muna ang isipin mo ngayon?"
Hindi ko alam ang isasagot ko at dahil sa biglang pagtahimik ng paligid ay halos ang pagtibok nalang ng puso ko ang tanging naririnig ko. Nung naramdaman niyang wala akong maisasagot sa tanong niya ay sinumulan niya na ulit na paandarin ang kotse at dahil dun nakaramdam na din ako ng pagkailang.
"Nandito na tayo"
Mas lalo lang akong na freeze out nung hawakan niya ang kamay ko. Nung nakababa na kami ng kotse ay medyo nagtaka ako kasi nasa may grotto kami ngayon. Ang taas ng aakyatin namin pero nung nasa tuktok na kami ay nawala ang lahat ng pagod at napalitan ng pagkamangha dahil sa mga nakita ko. Dahil malapit na ang Christmas ay mas lalong gumanda ang tanawin dahil sa mga makukulay na ilaw na nakikita namin sa baba. Sumandal ako sa railings at tumingala sa langit
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ako masaya pero ito naman ang gusto ko nung una pa lang eh, yung makasama ko si Dylan ng walang istorbo. Badtrip naman oh! Ang labo ko na ngayon.
Gusto ko sanang mag salita para mabawasan ang awkward sa pagitan naming dalawa pero wala akong maisip na sabihin. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at ang unang pumasok sa isip ko ay si Tim pero nadisappoint lang ako nung hindi ang pangalan niya ang lumitaw sa screen.
"Gusto mo na bang umuwi? medyo lumalamig na din dito"
"Alam mo Dylan gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng mga ilaw. Ewan ko ba, siguro sa past life ko ako ang nakaimbento ng ilaw kaya ganito." tinry kong pagaanin ang paligid sa pagitan namin ni Dylan. Nakita ko siyang ngumiti sa sinabi ko kaya napangiti na din ako
"Paano kaya kung ako ang nauna mong nakilala..." naestatwa ako sa narinig ko
Pano kung si Dylan...
"Hindi ko alam"
***
Maganda na sana ang ganitong buhay eh, yung tipong feeling inspired kana ulit tapos pasyal lang ng pasyal kung saan, kaya lang...
"Oh my gosh!"
For the nth time, hindi ko na alam ang gagawin ko sakaniya. Kung hindi siguro siya kasama sa trip na 'to ay mas maeenjoy ko pa eh kaya lang...
BINABASA MO ANG
We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**
Storie d'amoreThis book is already available in bookstores nationwide. Grab your copy now! Price: 85.00 pesos Publisher: Lifebooks Sample Chapter inside.