***
Kinuwento ko ang lahat ng nangyari kila Daphe at kahit sila ay hindi nila inakala na mangyayari ang lahat ng 'to
"My amnesia girl lang pala ang peg mo Yera"
"At ang haba pa ng hair mo"
Kanina pa kumento ng kumento sila Kyle at Daphe at napansin kong tahimik lang si Tristan sa isang tabi.
"Ano ng gagawin ko ngayon?"
Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang lahat ng 'yun kagabi at mas lalo lang akong naliwanagan sa kung ano talaga ang nangyayari ngayon. Kaya pala nung unang kita ko kay Tim ay parang may feeling na ko na nakilala ko na siya somewhere at hindi nga ako nagkamali dahil magkakaibigan pala kami dati nila Dylan, Tim at Aizel. At dahil sa sunog at paghulog ng kung ano sa ulo ko na nangyari noon ay nagkaroon na ng sagot kung bakit ko nakuha ang peklat sa likod ko at pagkabura ng memorya ko. Dahil sa nangyari ay sinisisi ni Tim ang sarili niya dahil hindi niya ko nagawang protekhan noon.
"Simula palang nung mga bata kayo ay may gusto na si Tim sayo?"
"Ganun na nga"
"Tapos ngayon kuya naman niya ang may gusto sayo at nagtapat pa siya kung kelan malabo kayo ni Tim"
"Ano bang gagawin ko? Nakakafrustrate na ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon"
"Sino ba ang mas mahal mo sakanilang dalawa?" napasimangot ako sa tanong ni Tristan
"Ano bang klaseng tanong yan? Syempre si Tim"
Nakatingin lang siya sakin at ang lalim ng iniisip niya.
Tumabi sakin si Daphe, "Alam mo ang pinaka magandang solusiyon diyan?" nagkatingin kaming lahat sakaniya
"Gawin mo ang tama"
***
Malapit na ang legit na bakasiyon namin at pagkatapos nito ay graduate na ko. Hindi na magkandaugaga ang mga teachers at estudyante sa nalalapit naming pagtatapos. Naging masaya ang high school life ko at mas lalong naging masaya yun nung nakilala ko si Tim. Halos tatlong buwan na rin nung iwan niya ko at sa loob ng tatlong buwan na yun ay kahit papano ay naging matured ako sa mga bagay bagay lalo na sa pagtanggap sa katotohanan na hindi nga siguro kami ang para sa isa't isa.
"Yera tingnan mo 'to" nilapitan ko si Daphe at may inabot siya saking sulat
"Kanino galing 'to?"
"Kay Josh at masaya akong malaman na natutupad na ang mga pangarap niya"
Isa rin sigurong factor ng pagiging open minded ko ay ang mga tao sa paligid ko. Kahit sino naman ay gustong magkaroon ng happy ending pero hindi lahat ay binibiyayaan nun.
"Wala ka pa rin bang balak na sagutan siya?" nakita kong namula si Daphe.
"Ang totoo niyan kakasagot ko palang sakaniya"
Hindi na ko nagulat sa naging sagot niya tutal naman ay deserve nila ang maging masaya. Nagkwentuhan kami sandali ni Daphe at nung lumapit siya samin ay nagsimula na kong mag ayos ng gamit ko.
"Ready kana ba para mamaya?" tanong ni Dylan
May inabot siya at sinabing sort of graduation gift ko daw dahil nasurvive ko ang highschool life ko. Nagreklamo si Daphe dahil bakit daw siya ay walang natanggap na regalo kahit na pareho naman kaming gagraduate sa highschool. Natawa nalang kaming dalawa ni Dylan sa naging reaksiyon niya.
BINABASA MO ANG
We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**
RomanceThis book is already available in bookstores nationwide. Grab your copy now! Price: 85.00 pesos Publisher: Lifebooks Sample Chapter inside.