***
Nilagok ko ang coke na nasa harap ko kasi pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malapot ngayon.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kyle, pati siya ay nakakapansin na din ng pagka uneasy ko. Patay talaga ko ngayon, baka kung anong ipagawa ng unggoy na 'yun sakin. Baka paghubarin ako sa harap niya o kaya iutos niyang gawin namin yung...
"Ayoko! Hindi pwede!"
Natigilan ako nung biglang tumahimik dahil sa pag sigaw ko at halos lahat sila ay nakatingin sakin. Kahit si Kyle ay hindi niya na halos naisubo ang fries na hawak niya.
"Abnormal kana Yera, kailangan talaga bigla-bigla na lang sumisigaw?" inirapan ko siya pero ang ikinainis ko ay nung pahiran niya ako ng catsup sa pisngi.
"Bastusan lang Kyle? umayos ka at baka hindi na kita tulungan kay Aizel. Ang baboy mo pa naman"
Kinuha niya 'yung tissue sa tray at pinunasan niya ang pisngi ko. Malala na talaga ang isang to, feeling close. Tsk!
"Kahapon baliw ka ng baliw tapos ngayon baboy naman, baka bukas bakulaw na ko niyan ha. Pasalamat ka hindi kita pinapatulan ngayon"
"May sinasabi ka?" tiningnan ko siya ng masama
"Wala, sabi ko ang ganda mo. Sino nga pala 'yung nagtext?" inirapan ko ulit siya sabay tayo
"Hoy saan ka pupunta?"
"Uuwi na, bakit may angal ka? Hindi kita ilakad kay Aizel eh makita mo"
"Ah sige ba-bye na ingat sa daan at baka masagasaan ka. Tatanga tanga ka pa naman" bakit ba nasabi ko pa na tutulungan ko ang isang to.
Nagsimula na akong maglakad at iniwan na siyang mag-isa dun. Nang palabas na ako ng mall ay may biglang tumawag sakin at pag lingon ko ay nakita ko sila Aizel at Dylan na magkasama.
"Mukhang nag grocery ka ata Yera" sabi ni Aizel
"Ah oo halata naman diba?" may pang aasar ang boses ko ng maalala ko na tutulungan ko nga pala 'yung Kyle na 'yun sa babaeng 'to kaya kailangan kong makakalap ng impormasyon sakaniya.
"Zhel may boyfriend ka na ba?" napatingin ang dalawa sa tanong ko
"Eh?" tumingin siya kay Dylan tapos sakin, "Ako? Meron kaya lang nagkakalabuan kami ngayon. Wag na nga nating pag usapan iyan. Balita kop ala kayo na ni Tim?"
"Ahm, oo?"
"Naks! umaariba na ang mokong na 'yun, dati panakaw-nakaw tingin lang siya sayo pero ngayon Jackpot!"
Teka, ano daw?
Magtatanong pa sana ako nung nagpaalam na si Dylan, mukhang nagmamadali din kasi ang dalawang iyon. Dumiretso na din ako ng bahay at nadatnan ko si kuya Zen na nanunuod ng tv.
"Kuya bakit ang pangit mo?" wala sa sarili kong tanong kay kuya.
"Talaga? Kaya pala hindi ako magustuhan nung crush ko" sabay walk out at nagpunta sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**
RomanceThis book is already available in bookstores nationwide. Grab your copy now! Price: 85.00 pesos Publisher: Lifebooks Sample Chapter inside.