***
Hanggang ngayon hind pa din maalis ang ngiti ko dahil dun sa singsing na binigay sakin ni Dylan at higit sa lahat ay ang kiss. Para ngang sakin talaga 'yun kasi nung sinukat ko, saktong sakto sa daliri ko. Ang sarap ngang isipin eh, pano kaya kung kami na talaga ang magkatuluyan? Nakakakilig!
"Magbihis na tayo Yera ayokong malate sa P.E natin. Nakakatakot kaya 'yung teacher natin dun"
"Okay, okay wag mo lang akong kaladkarin Mitch baka maupakan kita dyan"
"Tss, ang war freak mo talaga Yera, pero okay lang tanggap naman kita"
Nag pa cute pa ang babaeng 'to. Nang nakapunta kami sa cr ay nag bihis na kami ng one piece swim suit para sa swimming class namin. Kakainis nga eh kung kelan last year na namin 'to saka naman dinagdag sa curriculum ang swimming, eh hindi pa naman ako marunong lumangoy.
Nung tapos na kong magbihis ay humarap ako sa salamin para itali ang buhok ko, saktong kakalabas lang ni Mitch sa cubicle. Nung una nakatingin lang siya sa likod ko pero nung halos hindi niya na maalis ang tingin niya ay saka ko na siya sinita.
"Pasimpleng manyak lang?"
"Yera anong nangyari sa likod mo? Bakit may malaking peklat dyan?"
Humarap ako sa kaniya at saka pinag taasan siya ng kilay, "Pakialam mo ba?"
"Ang taray mo talaga. Napano nga yan?" aba ang kulit niya.
"Sabi nila mama at papa nakuha ko daw 'yan noon nung naglalaro ako. Nadapa daw kasi ako at tumama ang likod ko sa may semento tapos nagkaroon ng malaking sugat kaya nagkaganyan, masaya kana?"
Tiningnan niyang maigi 'yung likod ko at nairita na ko sa ginawa niya.
"Ano ba Mitch"
"Talaga bang yun ang dahilan?" ano bang problema niya sa sugat ko, hindi pa rin ba siya kuntento sa sinabi kong dahilan sakaniya.
"Alam mo Yera parang iba naman ang peklat na to. I mean iba 'yung peklat na galing sa pagkakadapa sa peklat na 'to. Parang peklat 'to galing sa sunog?"
"Imagination mo lang 'yan, tara na nga"
Hinila ko na si Mitch palabas ng cr at nag punta na kami sa gym kung nasaan 'yung pool. First time na ipagsama ang lalaki at babae sa swimming lesson, kadalasan kasi hiwalay lagi kaya no choice na din kami kasi absent 'yung instructor ng mga babae, kailangan na namin matutunan ang mga stokes kasi malapit na ang exam, kaya heto nakikita ko ang ilan sa mga lalaki na ang lagkit ng tingin sa mga babae.
Hinanap ko si Tim at nakita ko siyang nakikipag usap doon sa isa naming kaklase at prenteng prente ang dalawa sa pagtawa. As if naman may nakakatawa eh ang boring kayang kausap ng lalaking 'yun.
Nang natapos na ang p.e class ay biglang lumapit sakin si Tim
"Cassandra"
"Bakit?"
"Hintayin kita sa tapat ng room may ibibigay ako sayo"
Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Ibibigay kamo? Bago 'yun ah pero bakit hindi pa ngayon? Ang labo niya talaga.
Pumunta na ako ng cr para mag bihis at nung pagdating ko sa loob ay parang gusto ko ng lumabas ulit at pumunta ng ibang cr kaya lang mapaghahalatang bitter ako sa isang to.
"Hi Yera, tamang tama nandito ka gusto ko sanang hiramin ang boyfriend mo"
Kahit isaksak pa niya sa baga niya wala akong pakialam. Magsama silang dalawa.
"Okay"
Humarap siya at saka namewang, nung tiningnan ko siya ay nakita kong nakataas ang kilay niya at ang sama ng tingin sakin. Ano pa bang kailangan ng impaktang 'to sakin eh pumayag na nga akong hiramin niya si Tim.
BINABASA MO ANG
We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**
RomanceThis book is already available in bookstores nationwide. Grab your copy now! Price: 85.00 pesos Publisher: Lifebooks Sample Chapter inside.