I was always the person behind the camera. Behind those cinematic view, visual shots, scenic translations... I was one of that author. I never wanted to be in that spotlight, despite how the dark scares me.
But the moment his light shine upon me, I was able to overcome and acknowledge the beauty of darkness. I was able because I knew he will always have the light to guide me.
'Bullets' first international music award proves they are ruling the globe'
'There's no wilder comeback than what Bullets can do'
'Bullets has the most powerful fandom'
I closed the tab containing my Twitter account. Puno ang timeline ko ng trending topics na puro Bullets. Mahirap man, pero hangga't sa makakaya ko, iniiwasan ko na lang basahin o tingnan lang man ang kahit ano tungkol sa kanila... tungkol sa kaniya.
Bihira na nga lang ako nagso-social media dahil marami ang nakikita ko roon. At sa rami rin siguro ng trabaho ko, wala na rin akong oras bumabad sa social media. Media na nga 'yong buhay ko, ano pa ba ang hahanapin ko?
"Samahan mo na ako! Fan ka na naman no'n dati! Please Cassi!"
Natigil ang pagtitipa ko sa laptop nang pumasok sa apartment si Demi at iyon ang binungad sa akin. Kagigising ko lang at nagtimpla kaagad ako ng kape para tapusin ang templates ko. Pero parang gusto ko na lang matulog ulit hindi dahil sa trabaho kung hindi sa walang kuwentang pinagsasabi ng babaeng 'to sa harap ko.
Yes. I was a part of their fandom. I am still, but I am not into it like I was before. It was all because of him. Sa tuwing makikita ko siya, bumabalik lang lahat ng alaala na gusto ko nang ibaon sa nakaraan.
"Uy Cassi, hindi ba?! Sasamahan mo ako hindi ba?" Patuloy na pangungulit ni Demi, hila-hila pa ang laylayan ng shirt ko.
"Did you just wake up? Why don't you take a shower first before working?" Pumasok na rin si Charlotte na may dala-dalang groceries.
Naka-jogging attire sila pareho ni Demi. Inaya rin nila ako pero alam naman nilang late na akong nakatulog kagabi dahil sa trabaho.
"Hindi ah, okay na 'yan! Maganda ka pa rin kahit kagigising mo lang! Ang perfect tingnan ng messy hair mo!" Hinawi ko ang kamay ni Demi sa pisngi ko.
"Ayoko." Mariin kong sagot sa kaniya tsaka sumimsim sa kape ko.
"Why? You still haven't move on from him?" Napaubo-ubo ako at gusto na lang sabunutan ang nagmamay-ari ng boses na 'yon! Agad sinamaan ng tingin ni Demi si Charlotte dahil alam niyang mas lalo lang ako tatanggi sa alok niya.
"What? Either ways she won't come." Inosenteng sagot ni Charlotte kahit wala naman sa amin ang nagsalita.
"Ano ba 'yan Cassi! 3 years na oh! Ang tagal na no'n! Nakalimutan ka na no'n panigurado! Pagbigyan mo na ako! Matagal na ang huli naming pagkikita sa Pinas, ito na 'yong chance ko! Sila ni mismo 'yong pupunta rito sa L.A.!"
Napapadyak-padyak na roon sa sala si Demi sa kakareklamo. Bakit hindi na lang siya humanap ng ibang maisasama niya? Sabagay, wala na naman siyang malapit na kaibigan dito maliban sa amin. Gusto kong matawa sa kaniya dahil mukha siyang bata pero pinipigilan ko lang, baka isipin niyang pumapayag na ako. Ayoko pa rin makita ang lalaking iyon.
Parang tanga lang, kasi wala naman akong magawa dahil kahit saang sulok ng mundo o lupalop ay naroon ang matipuno niyang pagmumukha!
Ngunit, sino ba naman ako para magreklamo dahil sikat na sikat na sila ngayon. Pasikat na pasikat lang sila. Ganoon sila katindi, ganoon ang Bullets. No one can deny that they are driving the world crazy. Their music, their talent, their visual... everything about them.
BINABASA MO ANG
Before The Stars (Fan Series #1)
Lãng mạnThe indecisive yet optimist multimedia pro and a solid fan of the country's most popular boy group, Cataleya Sidney Ocampo, was mistakenly dragged in public by one of the group's member, Trey Salazar. The unforeseen scenario challenged Cassi's inn...