"Ingat anak! Ingat kayo!" Kumaway ulit si Trey sa lola niya mula sa sasakyan bago tuluyang mag-drive paalis.
"Did you have fun?" Tanong ni Trey. Nilingon ko siyang nakangiti.
"Ikaw?"
He nod, smiling before turning his gaze to me and raised a brow. All of a sudden, I can hear my heart fluttering when our eyes met. Nakaka-starstruck lang talaga ang lalaking 'to.
Nanatili na lang ang tingin ko sa daan pagkatapos at hindi na nakapagsalita. Napapatingin ako sa mga dinadaanan namin dahil pakiramdam ko ay pamilyar ang ilan sa akin. Naalala kong tumira kami no'n sa probinsya kasama pa si Papa... at bago pa man mangyari ang lahat. Pero hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong lugar.
I offered to drive but Trey refused. Mukhang pagod na kasi siya sa trabaho tapos malayo pa ang biyahe. Ngunit wala naman akong nagawa dahil tinanggihan niya ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang na huminto na ang sasakyan. Napaayos ako ng upo nang mapagtantong nasa tapat na kami ng bahay.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Maagap kong tanong kay Trey. Madilim na sa labas.
"You were sleeping soundly, I can't wake you up." Hinubad ko ang seatbelt ko at sinuot na ang bag ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong natulog! Nakakahiya!
"Uhm, thank you.... For today..." Iyon na lang ang tanging naisambit ko sa kaniya.
Wala akong ideya kung ano talaga ang balak niyang gawin o saan ang balak niyang puntahan. But either ways, it doesn't matter to me. "I enjoyed... the whole time with you..." Napakagat ako ng ibabang labi habang nakatingin sa kaniya, naghihintay ng sagot niya.
I saw how his lips curved forming a smile. Ngunit hindi ko maitutukoy kung ano ang nasa likod ng ngiti na 'yon. The look on his eyes doesn't coincide the beam on his lips.
"Sige, goodnight!" Paalam ko ulit sa kaniya.
"Oh wait, before I forget... For your sister." He handed me a purple drawstring pouch. Nang tiningnan ko 'yon, may logo ng Bullets sa gitna nito. Dahil naiilang na ako ay hindi ko na 'yon binuksan at tinanggap na lamang.
"Sana all may date," Bungad ni Samarah sa akin pagkapasok ng bahay.
Peke akong ngumiti sa kaniya at lumapit kay Catharina para ibigay ang pouch galing kay Trey. Abala pa siya sa paggawa ng assignment kaya hindi niya muna ito tiningnan. Dumeretso na ako kaagad sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Pagkababa, tumakbo kaagad si Catharina palapit sa akin para yumakap. Muntik pa kaming matumba.
"Salamat Ate!" Nakakapit pa rin siya sa leeg ko. "Limited edition merch box lang 'to ah! Saan mo 'to nakuha Ate?"
"Daming pera ah, pahiram naman Cassi." Pambobola na tono ni Marah.
Tinignan ko ang hawak-hawak ni Catharina na binder notebook. Sa kabilang kamay niya ay may maliit na music box. Inagaw ko 'yon sa kaniya para suriin. Nandilat na lang ang mata ko na may mga short messages pala 'yon ng Bullets sa unang page ng notebook! Lahat 'yon ay sariling sulat-kamay nila!
"Uhm... ah second hand lang 'yan! Binigay lang ng kasama ko sa work, regalo niya sa jowa niya kaso naghiwalay sila." Pandadahilan ko. Hindi ko alam kung maniniwala sila sa akin, bahala na.
"Asus, sabihin mo, baka ikaw 'yong bagong type!" Tumawa pa si Marah, hindi pa tapos ang pang-aasar niya. "Ikaw ha, birthday ka diyan."
Inirapan ko lang siya at umupo na sa lamesa para kumain. "Mga sira."
Agad na niligpit ni Catharina ang mga gamit niya at excited na piniktyuran ang bago niyang merch. Pasubo na ako ng pagkain nang huminto si Lucas sa tabi ko, nakatayo lang siya at nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Before The Stars (Fan Series #1)
RomanceThe indecisive yet optimist multimedia pro and a solid fan of the country's most popular boy group, Cataleya Sidney Ocampo, was mistakenly dragged in public by one of the group's member, Trey Salazar. The unforeseen scenario challenged Cassi's inn...