"I think I have? Anong ibig sabihin no'n?" Parang tanga akong kausap ang sarili habang nakaharap sa salamin.
Kagabi pang paulit-ulit na lang tumatakbo sa isip ko ang sagot ni Trey at paulit-ulit ko ring tinatanong ang sarili kung bakit naitanong ko 'yon sa kaniya!
"Huy, akala ko ba walang nilalandi? Kanina ka pang mukhang malalim ang iniisip." Saad ni Ayla sa akin. Wala naman talaga! Hindi ko lang masabi na tungkol kay Trey ang iniisip ko!
Pakatapos mag-breakfast ay bumalik na kami ng Manila. Natulog na lang ako sa biyahe ulit. Ito na talaga huling project ko kasama si Ayla dahil kung magsisimula na ako sa Alpha ay siguradong kailangan nang full-time ang atensyon ko roon.
Noong gabing iyon, nakatanggap ako ng e-mail galing sa Alpha confirming that I got the job. Medical clearance na lang 'yong kailangan tsaka anytime nextweek, p'wede na ako magsimula. Masaya ko iyon ibinalita sa bahay pati na rin kay Mama. Tinawagan ko pa siya at vinideo-call.
"Nakakainggit naman Ate! Araw-araw ka makakakita ng artista!" Iyon talaga ang bukambibig nina Catharina at Mara sa akin, 'yong posibilidad na may mami-meet akong mga celebrity.
Sa totoo, excited naman ako dahil doon. Pero syempre, trabaho pa rin ang intensyon ko. Kailangan kong galingan at tutukan ang mga gawain ko. Hindi p'wedeng mawala ang oportunidad na 'to.
Isang matiwasay na hapon nang nagtitipa ako sa laptop, in-email ko na kay Ayla lahat na videos na pina-edit niya sa akin. Napamasahe ako ng sentido dahil medyo sumasakit na ang mata ko sa haba ng paghaharap ko sa laptop. Sinara ko na lang 'yon para itabi tsaka napatingala, nakasandal ang batok sa sandalan ng sofa.
Papikit na sana ako nang marinig ang boses ni Catharina mula sa labas ng bahay. "Ate! Ate! Ate!" Bumalikwas ako sa upuan dahil sa tawag niya, damang-dama ko ang pagpanik sa kaniyang boses.
"Ano? Anong nangyari?!" Nawala na lang ang pagkunot-noo ko sa pag-alala nang makita ang abot-tenga niyang ngiti pagkapasok. Nakasunod naman sa likuran niya si Lucas.
"Ate! Ito na! Magkikita na kami ni Trey!" Tumalon-talon at sumigaw-sigaw na ang kapatid ko, sabik na sabik.
"Ha? Kailan? Paano?" May pinakita siyang papel sa akin na mukhang confirmation pass 'yon sa isang event.
"Hindi ba sabi ko sa'yo, sumali ako sa isang fans club! Nanalo ako sa raffle at ito 'yong napanalunan ko!" Nanlaki ang mata ko nang makitang totoo nga ang hawak-hawak niyang pass.
"Talaga?! As in?"
"Oo! Sa Sunday! Fan signing event 'yon tsaka promotion na rin ng album nila! Close fan signing 'yon kaya pasalamat kayo sa akin. Ang hirap din gumawa ng dance cover nila 'no!" Pinandilatan niya pa ako kaya natawa ako. "Pero worth it naman 'yong tatlong tickets!" Sumigaw na naman siya ulit.
Dumating ang Linggo, nauna akong umalis dahil kailangan ko pang magpa-check-up para sa clearance ko. Akala ko madali lang dahil clearance lang naman at dahil weekend. Hindi ko inaasahan na ganoon karami ang magiging pasyente kaya medyo natagalan ako. Hindi ko naman p'wedeng ibalin sa ibang araw tutal nandito na naman ako.
Tawag nang tawag sa akin si Samarah dahil nagsisimula na raw doon 'yong event. Patapos na 'yong performance nila at baka maabutan ako ng cut-off. Kailangan ko raw makahabol!
Halos nagsisiksikan ang mga tao pagkarating ko ng venue. Sa labas pa lang ay dinig ko na ang kanta nilang pinapatugtog tsaka 'yong pagsasalita ng host ng event. Iyong iba ay palabas na dahil hindi naman lahat ay mayroong pass sa fan signing. Nilabas ko 'yong ticket ko at pinakita sa organizer bago pumasok sa auditorium.
BINABASA MO ANG
Before The Stars (Fan Series #1)
RomanceThe indecisive yet optimist multimedia pro and a solid fan of the country's most popular boy group, Cataleya Sidney Ocampo, was mistakenly dragged in public by one of the group's member, Trey Salazar. The unforeseen scenario challenged Cassi's inn...