Chapter 5

0 0 0
                                    


Naalimpungatan ako, nang maramdaman kong wala na akong katabi. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at hinanap si Dylan. Tumayo ako sa kama at tinawag siya, ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Nagtataka na ako kung bakit hindi siya sumasagot sa akin. Tumingin ako sa orasan upang tingnan kung anong oras na at nakita kong alas-tres na ng madaling-araw. Kaya nagtataka ako kung bakit wala siya sa tabi ko. Kinuha ko ang robe at isinuot sa katawan ko. Naglakad ako patungo sa sala, ngunit hindi ko siya nakita.

"Dylan?" muling tawag ko.

Ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Pumunta ako sa banyo at wala naman siya roon. Muli akong napaupo sa kama at iniisip kung saan siya pupunta sa ganitong oras. Habang nag iisip ako ay napatingin ako sa side table na malapit sa kama. Natigilan ako ng makita ko ang wedding ring niya na naroon. Tumayo ako at naglakad patungo roon saka kinuha ang singsing. Nagtataka akong nakatingin dito. Bakit ito nandito? Bakit hindi niya ito isinuot?

"Saan kaya siya pumunta?"

Napagdesisyonan kong lumabas, dahil baka nasa labas lang siya. Matapos kong makapagbihis ay lumabas na ako sa hotel room namin. Tahimik na ang paligid, ngunit may ilang tao pa rin akong nakikita. Naglakad ako patungo sa elavator para pumunta sa ibaba. Ngunit nang bumukas ito ay nakita ko si Dylan, kasama si Keane. May dala silang hot coffee, subalit hindi lang iyon ang napansin ko. Nakita kong magkahawak kamay silang dalawa at dahil doon sa nakita ko ay agad akong nagtago sa pader.

Maraming naging tanong ang pumasok sa isip dahil sa nakita ko. Sanay na naman na naman akong nakikita silang magkasama, ngunit iba ngayon dahil magkahawak kamay sila na hindi naman nila dapat ginagawa.

"Are you sure she's still sleeping?" narinig kong tanong ni Keane kay Dylan.

Napansin kong huminto sila, malapit lang sa pinagtataguan ko. Hindi ko alam pero nawalan ako ng lakas upang harapin sila at tanungin kung ano itong nakikita ko.

"Yes, don't worry, she's tired," sagot ni Dylan.

Bigla na lamang may kung anong mabigat sa dibdib ko dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Tsss, for sure you're enjoying her company. Baka mamaya niyan wala ka ng oras sa akin dahil gusto mo siyang pagsawaan muna. Umayos ka," mataray na sabi ni Keane, na siyang lalong bumigat sa pakiramdam ko.

"Babe, you know everything, so don't worry about it, let's get inside to freshen you up," narinig kong sabi ni Dylan.

Narinig kong may bumukas na pinto, kaya bahagya akong sumilip. Nakita ko silang dalawa na pumasok sa isang silid. Muli akong napasandal sa pader at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, saka nag unahan sa pagdaloy ang aking mga  luha. Hindi ko inaasahan ang nakita at narinig ko ngayon lang. Anong ibig sabihin no'n? May tinatago ba sila sa akin? Bakit? Bakit ganito ang malalaman ko, matapos ang kasal namin?

Napapikit ako at pinahid ang luha na na nasa pisngi ko. Tumingin ako sa number ng room, kung nasaan sila. Maging ito ay hindi sinabi ni Keane sa akin, dahil sabi niya ay maaga siyang pupunta sa palawan. Ngunit heto at kasama niya sa loob ang asawa ko. Naikuyom ko ang kamay ko at bumalik na lamang sa hotel room. Hindi ako mapakali habang iniisip na magkasama silang dalawa ngayon. Kung may lihim silang relasyon ay nasisiguro kong may milagro silang ginagawa sa kwartong iyon. Kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Keane. Dalawang beses ko siyang tinawagan bago niya sinagot.

"Hello besty? Napatawag ka, masyado pang maaga, bakit?" tanong niya agad sa akin.

Ngunit may kakaiba akong naririnig sa paligid kung saan siya ngayon.

"Nagising kasi akong wala si Dylan sa tabi ko. Hinanap ko siya pero di ko makita, tinawagan ka ba niya? O di kaya alam mo ba kung saan siya maaaring pumunta?" sabi ko sa kanya.
Matagal siyang hindi sumagot sa sinabi ko at naikuyom kong muli ang aking kamay dahil narinig ko ang tila ungol na galing sa kanya.

"Uhm, hindi eh baka nandiyan lang sa labas, hintayin mo lang," sagot niya.

Narinig ko na naman ang kakaibang ingay sa paligid niya, kaya hindi ko mapigilan ang muling pagtulo ng aking luha.

"Ganoon ba? Sandali ayos ka lang ba? Kakaiba kasi ang boses mo, may kasama ka ba diyan?" muli kong taong.

"Hehe, mukhang interesado ka ah? Well, I'm having fun with my man just like what you and Dylan did in your honeymoon. It's wonderful right?" sabi niya habang tila nang aakit pa.

"W-What? Ikaw talaga, sige bye na. Mukhang busy ka nga," sabi ko sa kanya.
Akmang ibaba na niya ang tawag nang muli siyang nagsalita.

"Yes, besty. Kaya hintayin mo lang si Dylan, saka niyo ituloy ang honeymoon niyo," sabi niya at binaba na niya ang tawag.

Naitapon ko bigla ang cellphone sa kama at napasabunot sa buhok ko dahil sa nararamdaman kong inis at galit.

She's really enjoying with Dylan? My husband?

Napasinghal ako. May gana pa talaga siyang sabihin iyon? Na may ginagawa silang dalawa? Pinagkatiwalaan ko sila. She's my bestfriend and he's my long time boyfriend. How could they do this to me? Bakit nila ako nagawang lukohin at pagtaksilan? Naging mabait ako sa kanila, ngunit ito ang igagante nila? This is too much. I'm a nice person. Ngunit dahil sa ginawa nilang ito ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

Kinabukasan, pinilit kong isipin na isang panaginip lang ang mga nalaman ko. Ngunit ng hindi ko makita sa tabi ko si Dylan ay nanlumo ako. Biglang bumalik ang sakit na naramdaman ko ay biglang nag unahan ang mga luha ko. Nasa ganoon akong sitwasyon, nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Dylan. Nakita niya ang itsura ko, kaya naman agad siyang lumapit sa akin.

"Hey, what's wrong? Why are you crying?" nag aalala niyang sabi sa akin at inalo ako.

Hindi ako nagsalita kaya niyakap na lamang niya ako.

"Tell me what's wrong, Allyana?" muli niyang tanong sa akin.

"I dream something horrible," sabi ko sa kanya. Habang patuloy pa rin ako sa pag iyak. Hinagod niya ang likod ko.

"It's just a dream, let's go. Let's have a breakfast together," sabi niya.

Sana nga at panaginip lang ang mga nalaman ko Dylan, dahil hindi ko talaga alam ang gagawin kong totoo talaga ang mga nalaman ko.
Pinakalma ko ang aking sarili at tumango. Inalalayan niya akong tumayo at naglakad kami palabas ng kwarto. Ngunit sa paglabas namin ay nakita ko si Keane na naghahanda ng pagkain. Nagtataka akong tumingin kay Dylan at kay Keane.
Bakit nandito si Keane? Ibig sabihin ba nito, talagang totoo ang nangyari kaninang madaling-araw?

Loving The Betrayed Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon