Chapter 2

0 0 0
                                    

Kinabukasan ay naghanda na sina Allyana, sa gaganaping pag iisang dibdib niya sa lalaking minamahal niyang si Dylan. Matapos ang nangyari no'ng gabi ay wala na siyang maalala sa sunod na nangyari. Ang huling naalala niya ay nakatulog na siya sa couch at no'ng nagising siya ay katabi na niya si Keane na natutulog. Kahit puyat sa nangyari kagabi ay naroon pa rin ang excitement dahil sa kanyang kasal.
Abala ang mga make-up artist na kinuha ng ina niya, para ayusan siya at ang iba pang magiging abay sa kanilang kasal. Dahil nga nag iisang anak lamang siya ay engrande ang magiging kasal niya. Hindi man niya ito hiniling ay binigay ito ng magulang niya. Masaya ang mga ito para sa kanya, lalo na at kilala ng mga ito ang lalaking pakakasalan niya. Gusto rin ng magulang niya si Dylan, dahil mabait ito at may respeto sa kanya, maging sa magulang niya. Kaya nga no'ng magpropose sa kanya si Dylan ay buong puso niya iyong tinanggap.

"Ang ganda mo, ija," papuri sa kanya ng kanyang ina, habang nasa likod niya ito at pareho silang nakatingin sa harap ng salamin habang inaayusan siya.

Napangiti naman siya sa sinabi ng kanyang ina.

"Thanks mom," sagot niya dito.

"You what ija, being a wife is not easey. But I know you can fullfi your duty as a wife. Don't take it hard and be yourself," payo sa kanya ng kanyang ina.

Napatango si Allyana sa sinabi ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi nito. Nakikita naman niya kung gaano ito nagpursige para sa kanilang dalawa ng kanyang ama. Lagi itong may oras sa kanila  at sinusuportahan siya sa lahat ng gusto niya. Hindi ito naging hadlang sa relasyon nila ni Dylan noon, sa halip ay suportado siya nito. Ngayon nga, sa halip na ang pamilya ni Dylan ang gagastos sa kasal nila ay nagpresenta ang magulang niya na sila ang gagastos sa kasal nila. Sinabihan lamang ng mga ito si Dylan na bumawi na lang ito kapag ganap na silang mag asawa. Kaya masaya siya dahil iniisip ng mga magulang niya ang kaligayahan niya.
Sabay pa silang napatingin sa pinto at nakita nilang pumasok si Keane. Agad itong ngumiti sa kanilang dalawa.

"Hai tita, you look so lovely," puro ng dalaga sa ina ni Allyana.

Napangiti ito.

"Thanks, you too, Keane," sagot nito.

Lumapit si Keane sa mag ina at sinabi niya sa ina ni Allyana na hinahanap ito ng wedding organiser para kausapin. Kaya iniwan silang dalawa ng ina ni Allyana.

"Ang ganda mo sa suot mo, besty!" papuri ni Keane sa kaibigan at marahang pinisil ang pisngi ni Allyana.
Natatawa naman si Allyana sa inasal ni Keane. Alam naman niyang masyadong sassy ang dating ng kaibigan niya at sanay na siya dito. Hindi naman niya ito magiging kaibigan, kung hindi ito naging mabait sa kanya. Masaya rin siya dahil narito rin ito sa araw kasal niya.

"You too, but wait," sabi ni Allyana at bumaling kay Keane.

"What happen last night? Did I do something?" nag aalalang sabi ni Allyana. Inaalala niya kasi kung may ginawa siya kagabi, habang lasing siya. Hindi niya na kasi alam ang ginagawa niya kapag napasubra siya nang inum ng alak.

"Haha! Ano ka ba, wala no! Tinulugan mo lang kami, kahit hindi pa tapos ang show, tss!" napapairap na sabi ni Keane sa kanya.

Napakamot siya sa pisngi niya.

"Ganoon ba? Anong nangyari doon sa mga lalaki?" mahinang tanong niya pa dito.

"Madaling-araw na sila umalis at binayaran namin iyon. Doon na nga lang tayo sa hotel natulog di ba?" sagot nito sa kanya.

Napatango siya sa sinabi nito. Dahil alam naman niya iyon, ito pa nga ang gumising sa kanya para maghanda na ngayong gabi.

"Oh siya, bilisan mo na diyan at baka ma-late pa tayo sa kasal mo," sabi ni Keane.

Tumango si Allyana at tinawag ang make-up artist niya upang matapos na ito sa ginagawa. Matapos no'n ay lumabas na sila sa silid na iyon, kasama sina Keane. Nilapitan naman siya ng ama niya, upang alalayan siya para pumasok sa bridal car. Sumakay na rin sina Keane, kasama ang mga bridesmaid sa isa pang kotse. Nang makasakay na sila ay umalis na sila patungo sa simbahan.

Nang makarating sila sa simbahan ay biglang na lamang kinabahan si Allyana. Kakaibang kaba na hindi niya maipaliwanag. Nakikita niya sa pinto ng simbahan ang mga taong pumapasok na sa loob. Maging sina Keane ay nakaabang na rin doon. Hindi niya alam kung lalabas na ba siya o hindi dahil sa kaba na kanyang nararamdaman.
Naramdaman niyang hinawakan ang kamay niya. Kaya napatingin siya sa ama niya, na agad ngumiti nang tumingin siya dito.

"Relax ija," sabi nito sa kanya.

"Kinakabahan ako, dad," sagot niya dito.

"I know, hindi naman iyan maiiwasan. Tatagalan mo lang ang loob mo dahil para saiyo ang araw na ito. Wait for me," sabi nito sa kanya at nauna itong lumabas.

Umikot ito sa kabilang pinto, malapit sa kanya at binuksan iyon. Inabot nito sa kanya ang kamay upang alalayan siya. Kahit kinakabahan pa rin siya ay tinanggap niya ang kamay nito at lumabas sa kotse. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa simbahan. Nakita niya si Keane na kumaway sa kanya at sininyasan siyang papasok na ang mga ito sa loob. Napatango na lamang siya bilang tugon dito.

"Let's go?" anyaya sa kanya ng kanyang ama.

Napatango siya dito at sabay na silang naglakad patungo sa pinto ng simbahan. Naabutan niya pa si Keane at ngumiti dito.

"Kaya mo iyan, girl. Isipin mo lang na kayong dalawa lang ang nasa loob, na walang ibang tao kayong kasama. Kaya huwag ka nang masyadong kabahan," sabi nito sa kanya. Matapos niyang sabihin dito na kinakabahan siya. Napatango siya sa sinabi nito at ngumiti ito sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa loob. Nang makapasok na ito ay siya na ang susunod na papasok sa loob ng simbahan. Naglakad sila ng kanyang ama papasok sa loob at nang makapasok na sila ay nakita niya ang mga tao na nasa loob. Lahat ng mga ito ay nakangiti sa kanila. Lalo na sa isang lalaking matamis ang ngiti sa kanya.
Walang iba kundi ang lalaking mahal niya na si Dylan McDaniel.

Loving The Betrayed Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon