Chapter 8

0 0 0
                                    


Tulalang naglakad si Allyana palabas ng elevator. Nakarating na siya sa ground floor ng hotel, upang makita ang kanyang pinsan na si Chelsea. Ngunit, sa kanyang nasaksihan bago siya umalis sa hotel room nila, ang paulit-ulit na nasa kanyang alaala. Lalo na nang muli siyang sumilip sa pinto at naaktuhan niya kung paano naghalikan ang dalawa. Nawalan siya ng lakas sa mga sandaling iyon at wala sa sariling napatakbo, saka pumasok sa elevator. Gusto niyang umiyak sa loob, ngunit hindi niya magawa lalo na at may kasabay siyang staff na nakakakilala sa kanya. Kaya naman, nang makalabas siya sa elevator, pakiramdam niya ay kaunti na lang ay babagsak na siya.

"Yana!"

Narinig niyang may tumawag sa kanya, subalit tila wala siyang pakialam sa kung sino ito. Habang ang babaeng tumawag sa kanya ay naibaba na lamang ang kamay, nang lampasan siya ni Allyana. Kaya naman hinabol niya ito at hinawakan sa braso si Allyana.

"Hey, Yana!"

Napatingin si Allyana sa babaeng bigla na lang humawak sa braso niya at bahagyang napatitig dito.

"Chelsea?" wala sa sariling sambit niya.

"Yes? Of course, I am! What happen too you? Bakit wala ka sa sarili kanina, ayos ka lang ba?" nakataas-kilay nitong tanong sa kanya, ngunit naroon pa rin ang pag aalala nito. Nararamdaman niya kasing parang may dinadala itong mabigat sa dibdib.
Napakamot naman sa pisngi si Allyana at bahagyang napatingin sa paligid.

"Oh! I'm sorry, may iniisip lang kasi ako kanina, kaya hindi kita napansin. Pasensya ka na," hinging-paumanhin niya sa kanyang pinsan. Subalit, hindi pa rin naalis dito ang pagkakakunot ng noo nito, habang nakatingin sa kanya.

"Hmm, well, it's okay. By the way, I want really apologize, because I didn't come on your wedding yesterday. I'm too busy and tired, because of my work. Ngunit, babawi ako saiyo bago kayo aalis para sa honeymoon niyo," nakangiting saad nito sa kanya at bahagya pang yumakap ito sa kanyang braso.

Sa lahat ng pinsan niya, ito lamang ang pinaka-close at malambing sa kanya. Magkapatid ang kanilang ama at halos sa ibang bansa ito lumaki. Ngunit kahit nasa malayo ito ay hindi pa rin nawawala, kung gaano man sila kalapit sa isa't isa. Kahit kailan ay lagi itong nasa tabi niya, bukod kay Keane. Iyon nga lang ay hindi rin gusto ng mga ito ang isa't isa at kapag nagkakasama silang tatlo ay laging nagpaparinigan ang dalawa. Nasanay na naman si Allyana sa ugali ng dalawa, subalit ngayon ay nagbago na nga ang pakiramdam niya kay Keane dahil sa kanyang natuklasan.

"Halika ka nga dito," mayamaya ay sabi ni Chelsea, nang hindi sumagot si Allyana sa sinabing niyang iyon. Hindi sanay si Chelsea sa pananahimik ni Allyana, dahil sa pagkakaalam niya ay masayahing babae ang pinsan niya at bukod pa doon ay talagang mabait pa.
Hinila niya ito paupo sa isang couch at hinawakan ang kamay nito.

"Sabihin mo, may nangyari ba? Impossible naman kasing may iniisip ka lang, kaya ka wala sa sarili. Tell me, what happen? Why are you acting like this?" kuno't noo'ng tanong muli ni Chelsea.

Napalunok si Allyana at bahagyang napatingin sa paligid, saka siya muling tumingin kay Chelsea na nakataas-kilay na nakatingin sa kanya.

"Pwedi mo bang doon tayo sa ibang lugar? K-Kahit doon na lang sa kotse mo, p-please?" nakikiusap na sabi ni Allyana dito.

Natigilan naman si Chelsea sa kanyang nakikita ngayon kay Allyana. Nakikita niyang namumuo na ang luha nito at ano mang sandali ay bubuhos ito. Kaya, naging seryoso ang kanyang tingin sa babae at tumayo.

"Okay, let's go," tanging sabi niya at hinila na paalis si Allyana. Sabay silang naglakad dalawa papunta sa parking lot, kung nasaan ang kotse ni Chelsea.
Habang naglalakad silang dalawa, pinapakiramdaman lang ni Chelsea si Allyana. Sa nakikita niya ngayon dito ay nasisiguro niyang may pinagdadaanan ito. Nang marating nila ang kanyang kotse ay sabay silang pumasok. Pagkapasok nila ay bigla na lang napahagulhol ng iyak si Allyana. Niyakap naman ito ni Chelsea at hinahagod ang likod nito. Hindi muna siya nagtanong at hinayaan niya munang ilabas nito ang sama ng loob, na kanina pa nito dinadala. Habang nasa loob sila ng kotse at umiiyak pa rin si Allyana ay napatingin sa labas ng kotse si Chelsea. Biglang nahagip ng kanyang mga mata ang paglabas ni Keane sa may labasan patungo sa parking lot. Nakita niya rin sa likod nito si Dylan, habang may dalang isang maleta. Napakuno't noo siya, habang nakatingin sa dalawa. Tinted ang kotse niya, kaya hindi sila makikita sa loob ni Allyana. Dumaan sa kanyang kotse ang dalawa, at huminto sa isang kotse na nasa likod lang niya naka-park. Pinagmasdan niya ang kilos ng dalawa at bahagyang natigilan, nang makita kung paano humalik sa labi ni Dylan ang babaeng matagal na niyang hindi gusto at kinaiinisan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita at napasulyap sa babaeng kayakap niya ngayon, habang patuloy pa rin sa pag iyak.

Loving The Betrayed Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon