Chapter 16

1 0 0
                                    


Pilit kong pinapakalma ang sistema ko, dahil sa nararamdam ko. Hindi talaga ako mapakali sa kung anong mangyayari ngayon. Muli kong tiningnan ang lalaki at nanatili pa rin siyang nakatingin sa gawi ko, kaya iniwas kong muli ang aking tingin. Napatingin ako sa kasama niyang nakababa na ikalawang palapag at doon, nakita ko ang loka-loka kong pinsan. Nakita ko kung paano siya tila ba natapilok at agad naman siyang nasalo ng lalaking nais siyang mapansin kanina pa. Nakita ko kung paano sila nagkatinginan, bago umayos nang tayo ang madrama kong pinsan. Wala naman kaming lahing artista, kaya hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganoong eksena. Napatingin sila bigla sa gawi ko at nakita kong napangiti ang pinsan ko. Kaya umiwas na ako nang tingin sa kanila.
Mayamaya ay napansin ko si Chelsea na tumayo sa harapan ko.

"‘Cous, may sasabihin raw siya saiyo," sabi niya sa akin. Kaya napatingin ako sa lalaking kasama niya. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nais ni Chelsea na magpapansin dito. Gwapo rin kasi.

"Yes?"

"Well, I'm sorry for bothering you, Miss. My partner wants to have a drink with you upstair, if you insist,"  sabi nito sa akin.

Hindi ako nakapagsalita at napatingin sa itaas. Nakatingin rin siya sa gawi namin.

"Don't worry, it's just a drink. He just want to meet you and get back the handkerchief he gives to you earlier," muling sabi nito, kaya napatingin ako sa kanya at kay Chelsea. Nakita ko namang napakunot noo'ng nakatingin siya ngayon sa akin. Napaiwas tuloy ako nang tingin.

"Well,  let me think first. We will go there if we really want too," sabi ko sa kanya.

Napatango naman siya at nagpaalam na babalik na doon sa kanyang kasama. Nang makaalis ito ay tumabi sa akin si Chelsea at binangga ang braso ko.

"Ano 'yon?" tanong niya kaagad.

"A-Anong 'ano 'yon'?" tugon ko.

"Tungkol doon sa sinabi niyang 'handkerchief' ano 'yon?"

Hindi ako nakapagsalita dahil masyado rin akong nabigla sa sinabi ng lalaking iyon.
Napaiwas ako nang tingin sa kanya, dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa eksena kanina.

"Ano? Sasabihin mo ba sa akin o siya ang tatanungin ko?" banta niya sa akin, kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Are you out of your mind? Why would you do that? He's a stranger, and I don't need to explain about it," dahilan ko sa kanya.

Ngunit, tanging ngisi lang ang binalik niya sa akin at mapanukso niya akong tiningnan.

"Hmmm, na-curious tuloy ako.. kung paano kayo nagkitang dalawa. Sabihin mo na kasi," pangungulit niya sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako at muling napatingin sa itaas, nakita kong nakatingin pa rin ito sa amin. Napansin ko pang kinausap siya no'ng kasama niya. Kaya inalis ko na rin ang tingin sa kanya.

"Hindi naman talaga kami pormal na nagkakilala kanina. He was passing by, when he saw me crying. He give me a handkerchief and left. That's it. Hindi ko naman aakalain na makikita ko rin siya dito," paliwanag ko sa kanya.

"Ehhh! Talaga? Oh my god! Kilig to the bones ako doon ah? Iyon lang naman, pero kinilig ako sa eksena niyong dalawa. But wait, you're crying when he saw you?" kuno't noo niyang tanong sa kanyang huling sabi.

"Yeah, iyon 'yong time na nakita ko sina Keane.  I cried and he came," sabi ko at ang tinutukoy ay ang lalaki na nasa itaas.

Napangiti naman siya sa sinabi ko at muling binangga ang braso ko.

"Baka mamaya, siya na pala ang Mr. Right mo at hindi talaga si Dylan. Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon at kahit hindi pa kilala iyon.. pakiramdam ko ay siya na ang para saiyo," panunukso niyang sabi sa akin.

Loving The Betrayed Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon