Nanatili silang tahimik dalawa at hinihintay na sumagot si Keane. Nagkatitigan at para bang nakikipaglaban. Mayamaya ay biglang natawa si Keane, napahalakhak saka napapailing na muling tiningnan si Chelsea."What kind of question is that? Are you making me laugh?" natatawang sabi ni Keane kay Chelsea.
Tinaasan lang ni Chelsea ng kilay ito at mariing tiningnan.
"May nakakatuwa ba sa tanong kong iyon? Bakit hindi mo na lang sagutin ng deretso, hindi iyong bigla kang tatawa diyan at sasabihin pinapatawa kita. Nakakatawa ba ang tanong ko?" seryosong saad ni Chelsea.
Napatigil naman sa pagtawa si Keane at bahagyang napabuntong-hininga. Ngunit, naroon pa rin ang mga ngiti sa labi nito.
"C'mon, Chelsea, of course! I am her bestfriend. Bakit naman ako magiging lover ni Dylan? Are you serious? Talagang close lang kaming dalawa dahil magkababata kami. Pwedi ba, huwag kang magtanong ng ganyan. Mamaya may makarinig at makarating pa kay Allyana ang mga sinasabi mo," sabi naman ni Keane at naging seryoso sa huli.
Ngunit, nanatiling nakatitig lang si Chelsea kay Keane at marahang humakbang palapit dito. Hindi naman nagpatinag si Keane at nanatili sa kanyang pwesto, hanggang sa kaunti na lang ang natitirang distansya sa kanilang dalawa. Mariing tiningnan ni Chelsea si Keane.
"Alam mo, hindi ko talaga gusto ang mga pabidang tao. Binabalaan kita, huwag si Allyana. Kapag nasaktan siya dahil saiyo, sisiguraduhin kong ako ang makakalaban mo," mariing sabi ni Chelsea.
Matapos niyang sabihin iyon ay binangga niya pa si Keane at nilampasan ito. Ngunit, hinawakan ni Keane ang braso niya. Kaya napalingon siya dito, agad niyang binawi ang kanyang braso mula dito.
"Ano bang pinagsasabi mo?" seryosong sabi ni Chelsea.
Muling lumapit si Chelsea dito at mariin pa ring tiningnan. Nilabanan naman ni Keane ang kanyang tingin at hindi nagpatinag.
"Alam mo sa sarili mo kung ano ang pinagsasabi ko. Kung tinamaan ka, idi tinamaan ka. Sa ngayon, iyon lang muna ang sasabihin ko. Kapag may malaman pa ako tungkol sa ginagawa mo. I will do anything to ruin your life," mariing sabi ni Chelsea at tuluyan na itong iniwan.
Naikuyom naman ni Keane ang kanyang kamay at napasinghal na lang. Nang makalayo na si Chelsea ay muli siyang lumingon sa kinaroroonan ni Keane at nakita niyang may lumapit na lalaki dito. Napabuntong-hininga na lamang siya at tuluyan nang pumasok sa loob ng hotel. Pumunta siya sa receptionist at sinabing isa siya sa mga guest ng hotel. Sinabi rin niya ang relasyon niya kay Allyana. Matapos no'n ay binigay sa kanya ang susi ng silid, kaya pumunta na agad siya doon upang makapagpahinga saglit.
Agad na inubos ni Keane ang hawak niyang alak, matapos makausap si Chelsea. Nakatingin lang sa kanya si Sandro at walang balak na pigilan ito sa kung ano man ang nangyayari dito. Sinalinan niya muli ito ng alak, na agad lang rin na ininom.
"Keane, hindi nakakalasing ang wine. Anong gusto mo? Hard drinks? Kukuha ako, para naman mabawasan ang inis na nararamdaman mo," sushesyon sa kanya ni Sandro.
Napasinghal si Keane at naiinis pa rin sa nangyari, lalo na sa pangbabanta sa kanya ni Chelsea.
"That b*tch! She's really annoying! I really don't like her! Kung ano-ano pang sinasabi, nakakainis," naiiritang sabi ni Keane at inagaw ang bote ng wine sa kanyang kamay, saka deretsong ininom ni Keane ito.
"Uy, tama na 'yan, sige na, mamasyal na muna tayo," anyaya nito.
Napailing si Keane at napapikit. Pinapakalma niya na lang ang kanyang sarili, saka agad na kinuha ang phone.
"I will call him. Mauna ka na sa silid natin at susunod ako mamaya, kapag nakausap ko na siya," wika niya.
Naging seryoso naman si Sandro, ngunit napatango lang siya sa sinabi nito.
Hinanap ni Keane ang nember ng lalaking tatawagan niya. Nag ring ito, ngunit hindi agad sinagot. Malapit na itong maputol, nang marinig niya ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Loving The Betrayed Wife
RomanceThis story is belong to the right owner/writer. (Nicstag) (Permission to post) **** Allyana is almost had everything in her life. From a billionaire family, Beautiful, Kind, only child, love of her parents and above all; the man she loves the most...