Agad kong binaba ang kamay ko at bahagyang itinago iyon sa aking bulsa . Ngunit huli na, dahil nakita na niya iyon.
Nakita kong pasimple siyang napangiti at uminom ng beer."You're married?" mayamaya ay tanong niya sa akin.
Uminom muna ako ng beer bago siya sinagot.
"Yes, I was married yesterday and we are in the middle of honeymoon," pag amin ko sa kanya.
"Oh? Honeymoon? It's wonderful, right? Then, where is your husband? Why are you having fun with your cousin?" tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita at tila nawalan ako nang gana sa tanong niyang iyon. Naramdaman ko namang nakatingin siya sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. Napatitig lang ako sa beer na nasa harapan ko. Mayamaya ay narinig ko siyang napaubo at muling nagsalita.
"Alam kong wala akong karapatan na magtanong, pero gusto ko pa ring magtanong. Siya ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak kanina?" naramdaman ko ang pagiging seryoso niya sa tanong na iyon.
Nag angat ako nang tingin sa kanya at nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang pinagdadaanan ko. Hindi ko siya kilala at ngayon lang naman kami nagkakilala. Umiwas na lang ako nang tingin sa kanya.
"Yes, he is and I don't want to talk about it," tanging sabi ko at naging seryoso sa aking huling sinabi.
"Okay, I'm sorry for asking. For me, even if it's our first time to meet.. I know that you a good person. He was lucky to have you," aniya.
Muli akong napatingin sa kanya at nagtamang muli ang aming paningin. Nais ko mang alisin ang tingin sa kanya ay tila hinihila ng kanyang mga mata ang paningin ko.
"Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin? Kanina ko pa napapansin iyan," lakas-loob kong tanong sa kanya.
Natawa siya sa tanong kong iyon at napasandal sa couch. Nakita ko kung paano siya napapailing, habang nakatingin sa akin.
"Do you want to know? Because I found you special, I can take my eyes of you. I feel like, I saw an angel," sagot niya sa akin.
Tila naumid ang dila ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napakurap ako at inalis ang tingin sa kanya. Is he serious?
Ibang klase din pala ang isang ito."But now, I feel like.. I'm broken, because you're already have a partner," aniya.
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Tila ba ang galing niyang mangbola dahil sa kanyang sinasabi. Ganito ba talaga ang isang ito?
"Ibang klase ka rin humirit eh no? Ang drama mo naman ata sa mga sinasabi mo. Ganoong ngayon lang naman tayo nagkakilala," sabi ko sa kanya.
Bigla niyang inilapit ang kanyang sarili sa mesa at bahagyang dumungaw sa akin. Mariin niya akong tiningnan.
"Ganito talaga ako, pero mapili rin ako sa mga babaeng kinakausap mo. Ma-swerte ka at ikaw ang nilapitan ko," nagmamayabang niyang sabi.
Napamaang naman ako sa sinabi niyang iyon at napasinghal.
"Haha! Ako? Ma-swerte? Wow ah? Ngayon ko lang nalaman na ang swerte ko dahil nilapitan at kinilala mo ako. Grabe ka rin, ah?" napapailing kong sabi sa kanya.
"You're happy now?" mayamaya ay sabi niya habang nakangiti sa akin.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Happy? Ako?
"Pinapatawa lang kita, gusto ko kasing maging masaya ka at kalimutan saglit kung ano man iyong dinaramdam mo," wika niya.
Napabuntong-hininga naman ako sa kanyang sinabi at bahagyang napangiti. Hindi ko alam kung masasabi ko bang masaya ako dahil sa ginagawa niya. Oo, magaan ang loob ko sa kanya pero hindi ko alam kung masaya nga ba ako. Magsasalita na sana ako, nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kaya kinuha ko kung sino ang tumatawag. Natigilan pa ako nang makita ang pangalan doon ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Loving The Betrayed Wife
RomanceThis story is belong to the right owner/writer. (Nicstag) (Permission to post) **** Allyana is almost had everything in her life. From a billionaire family, Beautiful, Kind, only child, love of her parents and above all; the man she loves the most...