THIRD PERSON'S POVNanatili pa rin na nakatingin si Allyana kina Keane at Dylan. Bahagya pa siyang tumikhim upang makuha niya ang atensyon ng dalawa, na para bang walang balak bawiin ang pagkakatitig ng mga ito sa isa't isa. Agad silang umayos nang tayo, lalo na si Keane na pasimpleng napangisi at bumaling kay Allyana.
"Aalis na muna ako, hon, ikaw na bahala mag ayos ng gamit natin ah? Baka kasi matagalan kami ni Chelsea. Alam ko namang tutulungan ka ni Keane, sige huh? Lalabas na ako," tila wala sa sariling paalam ni Allyana na mabilis tumalikod sa dalawa.
"S-Sige hon, ako nang bahala dito," tugon ni Dylan. Bago tuluyang makalabas si Allyana ay bumaling pa siya sa dalawa.
"Bye!" nangiting paalam niya sa dalawa kahit naroon pa rin ang sakit na kanyang nararamdaman. Matapos niyang magpaalam ay isinara na niya ang pinto at napasandal doon. Napapikit siya at kusang nag unahan ang kanyang mga luha sa paglabas mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang dalawa, dahil masakit sa kanyang pinagtaksilan siya ng dalawang taong subrang mahalaga sa kanya.
Nang makalabas si Allyana ay binitiwan ni Keane ang pagkakahawak niya sa kanyang maleta at agad na yumakap sa leeg ni Dylan.
"Ikaw ah, baka makalimutan muna agad ako dahil kasama mo si Allyana sa resort? Well, iisa lang naman ang pupuntahan natin, kaya dapat huwag na huwag mo akong pinaghihintay kapag kailangan kita. Maliwanag ba?" nakangiting sabi ni Keane at humalik sa labi ni Dylan, na agad namang tinugunan nito. Tila ba wala silang pakialam kung bigla na lang papasok si Allyana at makita silang naghahalikan. Ang simpleng halikan nilang dalawa ay naging maalab. Tila ba nais ilabas ni Dylan kay Keane ang init na nararamdaman niya kanina kay Allyana. Gusto niyang magpasalamat dahil nandito ito upang ibigay ang kanyang pangangailangan, kapag hindi iyon naibigay ni Allyana. Subalit, sa kanyang kalooban ay naroon pa rin ang takot na baka iwan siya ni Allyana kapag nalaman nito ang kataksilan. Ngunit, kahit anong iwas niya kay Keane ay talagang hindi niya mapigilan ang kanyang sarili pagdating sa babae.
"Hmmm, mukhang may nabitin ah? Kilala kita," malanding sabi ni Keane sa pagitan ng halikan nila.
"Alam mo namang ikaw lang ang magpapahupa sa init na nararamdaman ko," tugon ni Dylan.
Hinawakan nito ang pang upo ng dalaga, saka binuhat ito at isinandal sa pader habang patuloy pa rin ang halikan nilang dalawa. Kumapit naman si Keane sa batok ni Dylan at lumaban sa halik nito, na maging siya hindi rin mapigilan ang kaniyang sarili. Simula pa noon ay talagang hindi na niya mapigilan ang sarili na magustuhan ito at mahalin, kahit pa nililigawan nito noon ang kaibigan niyang si Allyana. Subalit, pilit niyang pinagsiksikan ang kanyang sarili sa lalaki, kahit na alam niya kung ano ang magiging estado niya sa dalawa. Hinayaan niyang magkaroon sila ng lihim na relasyon ni Dylan, hanggang ngayon dahil sa isang malalim na dahilan."Hmmm, you're too hot, babe," muling sabi ni Keane sa pagitan ng kanilang halik.
Hindi tumugon si Dylan at bumaba lang ang kanyang halik sa leeg nito. Napaungol naman si Keane, nang sipsip nito ang kanyang balat. Palipat-lipat ang halik at pagsipsip ni Dylan sa kanyang leeg, na mas lalong nagpaungol sa kanya.
"Oohh! That's it! Lick it, babe!" ungol ni Keane at halos mapabuka ang kanyang bibig sa paraan ng paghalik ni Dylan sa kanya. Kumilos naman ang isang kamay nito at marahas na minasahe ang dibdib nito. Bumaba ang halik ni Dylan at napunta sa gitna ng dibdib nito. Bumaba rin ang isang kamay niya at napunta sa ilalim ng palda na suot ng dalaga. Lumusot ang kamay ni Dylan, hanggang sa mahawakan nito ang paulit-ulit na niyang natikman na hiyas. Napapitlag si Keane ng agad na pinasok ang kanyang hiyas ng dalawang daliri nito at mabilis na naglalabas-masok sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving The Betrayed Wife
RomanceThis story is belong to the right owner/writer. (Nicstag) (Permission to post) **** Allyana is almost had everything in her life. From a billionaire family, Beautiful, Kind, only child, love of her parents and above all; the man she loves the most...