Chapter 2- Outrageous Terror Part A

62 4 1
                                    

Chapter 2 - Outrageous Terror  Part A

   Ako si Alex at kasama ko si ngayon si Eli. Nan dito kami sa isang mall ng Winterland City. Ilang sigundo nalang ay susugudin at dudumugin na kami ng mga zombies. Kumuha ako ng ilang canned foods at inilagay sa bag. Pagkatapos ko kumuha, nakita kong nakatayo lang si Eli. Nakatitig lang siya sa akin.

" Kumuha kana ng kailangan mo. Ilang sigundo pa at pupunta na dito ang mga zombies. Sigurado akong narinig nila ang putok ng baril."

  "Ikaw na lang" Bulong niya.

[Mahina ang pagkasabi ni Eli at inakala ni Alex na di siya nakapagsalita ng maayos.]

  Di siya makapagsalita ng maayos. Sa tinging ko, di niya alam kung anong gagawin. Bago lang ba siya sa open zones? Open zone ang tawag sa mga lugar na may mga zombies. Closed zone naman sa lugar na di kayang puntahan ng mga zombies.

Naka-blue jean si Eli at naka-pink na unzipped jacket. Madungis na din ang jacket niya na parang kung saan-saan na siya sumuksok. Ang white shirt niya ay may mga blood stain na din. Sigurado akong puti yong tennis shoes niya pero brown na 'to dahil sa dumi.

  " Kung papunta dito ang mga zombies, sa'n naman tayo pwedeng pumunta?" -Eli

Nakapagsalita na siya ng maayos.

  " Syempre kailangan mong umuwi sa pinanggalingan mo," -Alex

" Ayaw ko. Mas nanaisin ko pang maging zombie." Oh! I didn't expect that. Sinong nanaisin maging zombie? Si Eli. Baliw siya.

"Maging zombie? Have you lost your mind?" tanong ko.

"Pwede bang, ammm ... Pwede bang sayo nalang ako sumama?"- Eli. Pag-iiba niya ng paksa.

  What? Of course not! I don't trust to strangers. Baka katulad lang siya ng mga source diggers. Magmamakaawang patuluyin sa bahay ng ibang survivors pero magnanakaw pala. So, no. You can't come with me.

  Malayo pa ang mga zombies naririnig na ng aking tenga ang kanilang mga ungol. My body is telling me to go now, but my heart just can't leave Eli. Iba na 'to ha! Did I just fall in love with her? How foolish of me.

  Lumapit si Eli at hinawakan ng mahigpit ang aking kanang kamay. Wa-wa-what ? Nag-first move ba siya? Don't assume to much, Alex. It's dangerous.

  " Let's go!" sabi niya na parang close kami.

   " Raaaahhh!"

   Tumakbo na kami dahil malapit na ang mga zombies. Papunta kami sa rooftop dahil doon nalang ang pwede naming exit. Paliko-liko kaming tumatakbo sa mall. Puntang kaliwa, liko sa kanan, punta ulit kaliwa, para maiwasan ang mga zombies.

   Habang tumatakbo kami sa likod namin ay ang subrang daming zombies. Pero parang okay lang sa aking habulin ngayon ng mga zombies. Ngayon nalang ulit kasi ako nakahawak ng kamay ng magandang babae at siya pa ang mahigpit na nakahawak. Pwede na akong mamatay.

  Biglang may tumalon na zombie sa kanan ko at muntik pa akong maabot. Mabuti nalang nakailag ako. Kaya binawi ko na agad yon inisip ko. Gusto ko pang mabuhay.

  Sa malayo nakita ko na ang elevator at sa kanan nito ang stairs. Pupunta pa sana ako sa elevator kaso hinila ako ni Eli papunta sa stairs. Oo nga pala, walang kuryente. D*MN it. Nakakahiya yon!

  So we take the stairs and the zombies are still chasing us. Kahit sa stairs ay tumatakbo parin kami na subrang dilikado. Madilim pa ang lugar na 'to. Pwedeng mamali ang tapak namin at ikapahamak namin. Mabilis na nakakahabol ang mga zombies.

  Nang malapit na kami nakita ko ang isang berdeng pintuan. That's our exit. Mas bumilis kami sa pagtakbo at pumasok sa pintuan. Paglabas namin isinara ko agad ang pintuan. Using my Batcalibur, I smash the doorknob. Sarado na ang pintuan. Saka narinig ko ang mga zombies sa kabila ng pintuan. Umuungol sila at pilit nilang binubunggo ang pintuan.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now