Chapter 9- Unexpected

31 4 0
                                    

Chapter 9- Unexpected

  Aether's POV.

    Akala ko dati kailangan kung gawin lahat ng gusto ko dahil maikli lang ang buhay. Lumilipas lang ang araw na parang ilang sigundo. Kaya, habang nasa highschool ako, ginawa ko ang lahat ng gusto ko. Pabili dito, gastos doon, gala kung saan-saan — puro kasiyahan lang ang aking ginawa. Hanggang sa isang araw nagbago ang lahat.

    Ang aking kasiyahan ay napalitan ng paghihirap. Nagsimula na ang apocalypse. Nakita kong namatay ang aking mga kaibigan at wala akong magawa. Ako na sana ang sunod na mamamatay. Mabuti nalang iniligtas ako ni ate Cindy.

   Sa Dryvillage ko napagtanto na ang buhay ay sapat para gawin ang kailangan kong gawin. Sapat na ang buhay para makasama ang pamilya, mga kaibigan, at maging mapagpasalamat sa Lumikha. Pinagsisihan ko ang aking mga ginawa. Di ako naging mabuting anak at sumasa sa mga masasamang kaibigan. Dapat kasi naging matalino ako.

Di pa naman huli ang lahat. Habang may buhay, may pag-asa.

   Ako si Aether Graylord. 17 yrs old at nakaupo couch. Kakagising ko palang at masakit pa ang aking ulo. Ang aking lalamunan naman ay tuyo. Gusto ko ng tubig!

   Lumingon ako sa paligid at ang sinag ng araw ay pumasok na sa loob ng bahay. Dumadampi sa aking balat ang mainit na sinag. Naamoy ko din ang matamis na inumin at malutong na junkfoods. Nasa harapan ko ang isang table. May mga bukas na junkfoods, bote ng mga inumin, at ang mga nagkalat na baraha. Naglaro kasi kami kabagi ng mga baraha. Di katulad kagabi, tahimik ang paligid.

   Inabot ko ang isang bottle water at uminon.

    Saan na kaya yon iba? Gusto ko pa sana maglaro ng baraha kasama sina kuya Alex. Ang dami din pati niyang kwento. Kiniwento niya kahit yong pag-iimbak ng tubig galing sa ulan. Naikwento niya din ang kaniyang dating buhay bilang music teacher. San kaya sila?

   Tumayo ako at naglakad.

   " Ah!" Nagulat ako sa sigaw. Ang aking paa pala ay nakatapak sa ulo ni kuya Jerry. Agad ko namang inalis ang aking paa.

   "Sorry po!"

    Bumangon si kuya Jerry at nakahawak pa sa kaniyang ulo. Nakatulog pala siya sa sahig.

    " Tingnan mo kasi ang dinadaanan mo. Bwisit!" Galit niyang saad. Akala ko tapos na siya pero nagalit ulit.

   " NAGHUHUBAD NA SIYA! TAPOS KUNTI NALANG MAKIKITA KO NA! MAHAHAWAKAN KO NA SANA! KASO NAGISING MO AKO!" Napalakas ng boses niya.

   " Sorry na po, " saad ko.  Nagsasalita pa si kuya Jerry tungkol sa babaeng ng panaginip niya nang lumabas sina kuya Astrid at ate Cindy. Nagsisigawan sila.

   Nakashorts lang si kuya Astrid at wala yong pag-itaas niya. Gulung-gulo pa ang kaniyang buhok. Si ate Cindy naman ay suot pa rin ang kaniyang uniform at may dalang kutsilyo. What's happening?

   " Bumalik ka dito! Pupugutin ko yang!" Sigaw ni ate Cindy.

   Tumayo naman si Kuya Jerry at nagtago sa likod si kuya Astrid. May nagawa bang mali si kuya Astrid.

    " Sorry na! Kala ko kasi di ka magagalit!" Saad ni kuya Astrid.

    "Hoy! Ano bang nangyari?" Tanong ni kuya Jerry.

    Oh my goodness! May nangyari sa kanilang dalawa. Si kuya Astrid at si ate Cindy ay may ginawa. This is a bad news.

    " Bakit mo naman sinabi na hindi ako magagalit? Hindi nga kita kinakausap. Kaya bakit ako papayag matulog kasa mo. Ahhh! " Galit na galit si ate Cindy.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now