Chapter 4- Death Comes

29 5 0
                                    

Chapter 4 - Death Comes

  One Year Ago...

  Ako si Nahara Dainah Llacarta Mecarera, at humaharap ako sa isang malaking suliranin. Kapag nangyayari ito sa buhay ko, mas gusto ko pang mamatay nalang. Ayaw ko ng mahirapan at gusto ko ng takasan ang mga problemang ito. Ganon ako ka duwag at isa lang ang naiisip kong solusyon. Ito ay ang mamatay nalang.

   Mabuti nalang nan dyan sina Kaye at Merry. Sila ang mga kaibigan kong nanaising mabuhay kahit dadanas ng subrang hirap na bagay. Subrang tapang nila at walang takot na hinaharap ang mga problema. Parati nilang sinasabi na di nila ako iiwan at maraming rason para manatiling buhay.

   " Dainah! Gising na."

   Iminulat ko ang aking mga mata at napansin na umaga na pala. Di katulad ng dati, wala na ang ingay ng mga sasakyan sa umaga. Nakakabingi ang katahimikan ng buong lugar. Ito ang idinulot ng zombie apocalypse.

   " Tayo na dyan," sabi ni Kaye. " Aalis na tayo." Bumangon ako sa banig na karton. Gumawa kasi kami ng banig na karton kagabi para sa aming tulugan. At yon ang unang beses kong nakatulog sa karton. Di ito ganon ka lambot pero okey na 'yon dahil kasama ko naman sina Kaye at Merry.

   " San daw tayo pupunta?" Tanong ko. Napapaligiran kami ng mga zombies at saan naman kami pupunta? Sigurado akong malayo na ang inabot ng infection. Ganon kasi ang mga napapanood kong movies.

   " Di pa kami sure kung saan pupunta pero kailangan nating lumabas sa Winterland City." Di ko maintindihan kung bakit kailangan umalis dito. Wala naman daan para lumabas dito. Nakapalibot nga kasi ang mga zombies.

   " Ganito kasi yan," nagsalita si Merry. " Kaninang madaling araw may mga sundalong dumaan. Nakasakay sila sa malalaking traks at sakay nila ang mga ibang citizens. Sinubukan namin silang tawagin pero di sila tumigil. Gamit ng megaphone, sinabi nilang pumunta sa Dryvillage. Safe daw don,"

  Gusto ko sana sabihing ayaw kong umalis kaso nakita ko ang mga mukha ng tao. Di ko alam kong anong tumatakbo sa isipan nila, pero nagsasalita ang mga mukha nila. Gustung-gusto na nilang makaalis. Magkakaroon ng kaguluhan kung pipigilan ko sila.

  Tumango nalang ako.
  " Amm... pupunta lang ako sa c.r." sabi ko.
  " Samahan na kita," sabi ni Merry.
  " Wag na." Pagtutol ko kay Merry.
   Naglakad na ako papunta sa c.r. at umupo sa toilet bowl at ginawa ang mga morning routines ko.

   Tumayo ako sa harapan ng salamin at tiningnan ang sarili. Buhaghag na ang buhok ko. Di na mapula ang lips ko at feeling ko ang pangit ko na. So, naghilamos ako at tinali ang buhok ko. Tumingin ulit ako sa salamin at nakita ang sarili.

   Ow! Di na ako sanay makita ang sariling walang makeups. Pero okay na yan. Maganda naman ako.  Dala ng aking brown eyes, full thick eyelashes, and thin eyebrows.

   Lumabas na ako sa c.r. at nakita ko silang nagtatali ng mga bagay sa kanilang braso at tuhod.

   Lumapit ako kina Kaye at Merry. Nagtatali sila ng mga tela sa braso nila.
   "Maglagay ka rin," sabi ni Kaye.
   " Wag na," sabi ko. " Ako nalang magdadala ng mga bags niyo."

    Labing-dalawa kaming lahat dito. Kami nina Kaye at Merry, tatlong crews, dalawang chefs, at apat na customers. Kaming tatlo ay mga naka-uniform. Yong tatlong crews ay nakasuot ng uniform nila na may fried chicken. Puting uniform naman ang suot ng mga chefs. Ang mga customers naman ay mga nakapambahay lang. Sa tinging ko, inutusan lang silang bumili ng fried chicken tapos di na ulit sila makakauwi.

  Bago kami umalis, nagbaon kami ng mga fried chickens, tubig, at kanin. Mainit-init pa ang mga chicken na bagong luto ng mga chefs. Mahirap ng magutom sa daan. 

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now