Chapter 15- Astrid , A Memorable Past

22 1 0
                                    

Chapter 15- Astrid , A Memorable Past

  Umaga, pagkatapos ng pagdating ng mga Judas ay naglibot ako mga burol na malapit sa Dryvillage. Gamit ko ang isang mountain bike. Sa aking paglilibot ay nakita ako grupo ng limang tao. Ang tatalo sila.

   Lumapit ako para makausap sila. Tinanong ko kung anong pangalan nila at anong pakay nila. Kala ko masasa sila dahil may mga dala silang malalaking baril, pero mga kasamahan pala sila nina Alex. Nan doon sila para tumulong sa pag-bawi kay Eli.

   Sinabi ko sa kanila ang katotohanan at tapos na ang misyon nila. Inanyaya ko din silang umanib nalang sa mga taganayon. Kailangan din kasi ngayon ng maraming tao para mas mabilis ang paglipat at paggawa ng bagong mapapaglugaran.

   After several hours ay bumalik na ako sa Dryvillage at sa harap ng isang umuusok na bahay ay nakita ko si Cindy. Lumapit ako at napansin na umiiyak pala siya.

   "Ayos kalang?"tanong ko. Di siya sumagot at di ako pinapansin. Galit pa rin ba siya dahil di niya nakamit ang kaniyang paghihigti.

   Napansin kong hawak niya ang isang picture. Siya at isang lalaki ang nasa picture. May hawak din siyang pink na bee.

    Di ko alam kong pano ko siya ico-comfort. Di ako marunong sa mga bagay na ganon. Umupo nalang ako sa tabi niya.

    Di ko alam kung anong nararamdaman niya pero nong tabihan ko siya, nalungkot na din ako. Napalingon ako sa mukha niya at ang mga mata niya ay mapula dahil sa kaniya pag-iyak.

    Naalala ko tuloy si Mika.

One Year Ago...

   Nagsimula ang pianist tumugtog at sumunod na ang guitarist. Electric guitar pala yon.

   She's gone ang kanilang tutugtugin. Ang tugtog ay para sa concert na gaganapin sa school at ang vocalist nila ay walang iba kundi si Mika. Maliit ang boses niya pero kaya niya rin pabilugin.

   Habang nagsisimula ang awit ako naman ay nakaupo sa upuan. Kahit ako lang ang nakikinig ng kanilang practice, grabe ako makapag-cheer.

    "Girlfriend ko yan!" Sigaw ko. Umalingaw-ngaw ang boses ko sa music room. Nakita ko naman ang kinikilig na ngiti ni Mika.

    Hinawakan niya na ang microphone at nagsimula ng umawit. Ang ganda ng boses niya.

   🎶 She's gone 🎶

   Nahulog talaga ako sa kaniya dahil sa kaniyang boses.

   🎶Out of my life🎶

   Nagsimula ang aming love story noong nasa bus ako. Pauwi na ako noon at nasa isang sulok. Nakasilip ako sa bintana. Nakita ko siya noon sa gilid ng daan at naggi-guitar. Tumutugtog siya habang kumakanta. Sakto naman na tumigil ang bus at ilang sigundo ko siyang tinitigan.

   Nalove at first tone yata ako sa kaniya. Di ko nga na pansin, nakangiti na pala ako. Nang aandar na ulit ang bus at agad kong kinuha ang aking phone at kinuhanan siya ng picture.

   Tapos pag-uwi ko ay parati ko nalang tinitingnan ang picture niya. Halos di ako makatulog noon kakaisip kay Mika. Sa sunod na araw, napansin ng mga students ko na in love daw ako. Parati daw kasi akong lutang at parating nakangiti.

   Kaya nong gabing iyon, pinuntahan ko yong lugar na nakita ko siya. Ayon,nakita ko siya pero di ako makalapit dahil ang daming tao. So, I waited for her. Naghintay ako ng tatlong oras makaalis lang ang mga tao.  Nakita kong nag-aayos na siya ng kaniyang guitar at pauwi na.

   Without thinking, I go to her. Nilapitan ko siya at para akong tanga na di makapagsalita.

   "Sir? Ano pong kailangan niyo?" Tanong niya. Bigla lang kasi akong lumapit at natakot na tuloy siya. "Tapos na po ako at pauwi na."

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now