Chapter 6- New King Of Winterland

21 4 0
                                    

Chapter 6 - New King Of Winterland

    Present time... Feb 14, 2018
    Alex POV.

     Gagawin ng lahat ang mabuhay. Kaya tayo nag-aaral para pagdating ng panahon magkaroon ng trabaho. Pagnagkatrabaho, magkakaroon ng pera para makabili ng pagkain at manatiling buhay. Pero kulang parin yon para mabuhay. May mga kailangan pa tayong gawin para mabuhay.

     Ako si Alexander Rodrigo, dating music teacher at ngayon ay isang survivor sa zombie apocalypse. Pano ako naka-survive? Matinding paghihirap ang dinanas ko. Nanirahan ako sa ilalim ng maruming kanal. I lived with the rats. Kinain ko ang mga damong tumutubo sa ilalim ng kanal. Ininom ko ang maduming tubig at halos mamatay na sa subrang tindi ng aking dinanas.

    Ako, si Philip, at si Samuel ay mga nanirahan sa ilalim ng kanal. We're like rats under the ditch. Sa aming tatlo ako lang ang tumagal. Namatay sila sa hirap. Sa takot na matulad sa kanila, naglakas loob akong lumabas ng kanal. Tatlong buwan bago ako lumabas ng kanal at ang amoy ko ay mas malalapa sa mga zombies. Sa subrang baho ko di na ako malapitan ng mga zombies.

    Paglabas ko sa kanal, naghanap agad ako ng pagkain. Sa buong Winterland City, inipon ko ang mga pagkain na kaya kong makuha. Naghanap din ako ng tubig at bahay na matutuluyan. Hanggang sa nahanap ko itong bahay na may pulang flag sa bintana. Dito na ako tumira at nag-adapt ako sa bagong mundo. Sa bagong mundo na hindi na tao ang namumuno, kundi ang takot at kamatayan.

    Paglipas pa ng ilang buwan, may mga survivors na nagsama-sama. Gumawa sila ng mga grupo at tinawag nila ang kanilang sarili sa iba't ibang mga pangalan. May Z-Lords, Dead Hunters, Anti-Zombie Police Group, Army Of Grave Killers, RIP FZ (Rest in Peace For Zombies), at marami pang ibang grupo.

    Pumapatay sila ng mga zombies at nag-aagawan ng mga resources. Kadalasan ang unang nauubos ay tubig. Masama na ang mga tubig sa ilog dahil na pollute na ito ng mga bangkay ng zombies. Pumapangalawa ang canned foods at iba pang pagkain na may preservatives. Pangatlo ay ang mga ammunition at baril. Mas madaling pumapatay ng zombies gamit ng baril pero di na nakakagawa ng mga bala.

     May grupo din akong nagawa kaso lang namatay lang silang lahat dahil sa isang pagkain na itinago nila sa akin. Contaminated na pala yong pagkain at kinain pa rin nila. Paggising ko nalang, patay na silang lahat at ako ang naiwan para ilibing sila.

    Pwede sanang makagawa ako ulit ng grupo kaso umalis na si Eli. Naiwan ako sa aking higaan at nakatulala sa kisame. Tinatanong ko ang sarili kung anong gagawin ko ngayon. Wala naman akong gagawin. Kung di sana umalis si Eli pwede kaming maglaro ng mga board games o magtable tennis kung hindi naman ay mag-inuman at maglabas ng mga sama ng loob. Hay! Miss ko na siya.

    Hihiga nalang sana ako ng buong araw kaso lang may kumatok sa pintuan.

    " Tok!...toktok...Tok!"

    Bumangon ako at dali-daling bumaba. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang mensahero ni Logan. Isang unggoy na  kasing laki lang ng pusa ang pumunta sa aking bahay. Marunong itong kumatok at mas masunurin pa sa tao.

    Umakayat ito sa akin at sinapak ako. Ouch! Parati niya itong ginagawa pagdumadating sa aking bahay. Gusto ko na nga itong patayin kaso papatayin ako ni Logan.
 
    Ang unggoy ay may dalang papel at ibinigay ito sa akin. Pagkatapos umalis na ito. Nakakabilib ang ang unggoy na 'to dahil kaya nitong makatakas sa mga zombies at makabalik kay Logan na hindi nagagalusan.

    Isinara ko ang pintuan at binasa ang sulat.

   "Kung gUsto mo PanG mabuhay BAsahin mo aNg sul4t ko at gavvin ang nakasulaT." Simula palang alam ko ng si Logan ang gumawa nito. Ang pangit pati ng sulat niya.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now