Chapter 7- No One Will Die

29 4 1
                                    

Chapter 7 - No One Will Die

   Present time...Feb. 15, 2018

   Astrid's POV.

   Bakit ba tayo lumalaban? Bakit kailangan nating manatiling buhay? Kailangan nating mabuhay para sa ating sarili at sa iba pang nagmamahal sa atin. May dahilan tayo kaya tayo nabuhay at kailangan natin gumawa at tuwangan ang iba. Don't be selfish and never care for others. Hindi naging selfish ang ating mga magulang sa atin. Hindi naging selfish ang Maykapal at binuhay tayo.

   Kung may mga natitira pang tao sa Winterland City sana masagip namin. Ito ang aking pangako kay Mika. Naaalala ko pa ang oras na nangako ako kay Mika. Nasa kalong ko siya habang nawalan siya ng buhay. Gumuho ang mundo ko ng mga oras na 'yon at subrang sakit. Nawala sa aking buhay ang pinakakamahal kong tao at hindi ko na ulit siya makikita. Hindi ko na maririnig ang kaniyang maliit na boses. Hindi ko na siya mayayakap ni maiibalik ang pagmamahal niya.

   I made a vow that I will keep my promise until I die. Ililigtas ko ang lahat na kaya kong iligtas. Para hindi na mangyari ang nangyari kay Mika. Hindi na nila mararamdaman ang sakit na nadama ko.
  
   Sa Dryvillage, mabilis na nakapaghanda ang mga tao. Gumawa ng matibay na harang ang village at nailigtas ang mga tao dito. Maliit lang ang Dryvillage ngunit ito lang ang alam kong nabuhay sa zombie apocalypse. Dahil sa kanilang pagtatanim, hindi nagutom ang mga tao at tatagal pa ng maraming taon.

    Maraming nakapunta sa Dryvillage na nagmula sa Winterland City. Isa na kami dito ni Dainah. May mga sundalo at pulis din na nakapasok dito. Sa tulong nila, napag-aralan namin ang mga zombies at pano sila tatalunin.

   Nagkaroon ng grupo na tinatawag "Black Wolves" Kami ang grupong ito. Nag-aral kami ng isang taon para malaman ang gagawin sa aming paglabas ng close zone. Maraming kailangan gawin sa open zones. Ang isa sa mga mabilis na natuto nito ay si Dainah. Babalikan niya kasi ang mga kaibigan niya at kailangan niyang maging malakas para masagip sila.
  
   Pangalawa lang ako sa pinakamagaling sa grupo kaya si Dainah ang aming alpha. Ako ang second alpha. Ang kadalasan naming misyon ay kumuha ng mga resources sa Winterland City at kumuha ng impormasyon sa mga zombies. Ang napansin ko sa mga zombies ay nagbabago sila. They are evolving from zombies to faster zombie to faster and stronger zombie. May mga zombies din na makakaibang anyo at kakaibang lakas.

    Ngayon, isang misyon ang hiningi ng aming alpha. Ang misyon na ito ay kakaiba sa mga una. Ang misyon ay ang hanapin sina Kaye at Merry sa Winterland City. Isang taon na ang lumipas pero na niniwala pa rin si Dainah na buhay pa sila.

    Pumayag ang pinuno ng Dryvillage at kaming lima nina Dainah ang gagawa nito. Ito na ang pagkakataon kong iligtas ang mga survivors. Kahit minsan naiisip kong hulina, nagbabasakali pa rin akong may mga buhay pa sa Winterland at hirap na sa pagtatago. Kailangan na naming kumilos.

    Kasa ko si Dainah. Malaki ang pinagbago niya at ngayon ay isa ng mapagtitiwalaan na lider. Nakasuot siya ng black shirt at black jeans. Nakatali ng pulido ang kaniyang buhok. Suot niya ang isang combat shoes na binigay ng isang sundalo. Hawak niya ang isang BANANA AK-47. Yellow kasi ang color ng baril.

   Isa pang kasama namin ay si Cindy Gwyane Astra. 23 yrs old at isang pulis. Suot niya ang kaniyang uniform at ang sexy ng pulis na 'to. Mahilig siya sa bubble gum at isang bat ang dala niya. May hand gun din siya pero nakalagay lang ito parati sa belt niya. She always stares to me while chewing her bubble gum and it's intimidating me.

   Ang isa pa naming kasama ay si Aether. Galing daw siya sa isang mayamang pamilya. Di ko alam ang apilyedo niya. All I know is his name. 17yrs old siya at parating nakadikit kay Dainah. Ang suot niya ay isang green jacket at black pants. Naka-school shoes siya at white shirt. Ang sandatang dala niya ay isang katana.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now