CHAPTER 4

2.5K 38 5
                                    

Jema's POV

December na ngayon at sa Sunday na yung alis namin ni Deanna papuntang Paris para sa vacation naming dalawa

Nandito kami ngayon sa bahay namin kasama si Jacob

Hiniram muna namin siya kasi bukod sa mga guards namin si milo lang ang kasama namin ni Deanna dito

Busy rin kasi ang parents niya eh

First birthday kasi ni Jacob bukas kaya aasikasuhin pa nila yung party ng anak nila para bukas wala ng maging problema

Kasama rin sana namin sina Ava dito kaya lang bukas pa sila dadating

After christmas nalang daw sila mag oovernight dito

Wala pang isang araw na nandito si Jacob pero napapagod na kami kakabantay sa kanya kasi ang likot

"Love!" tawag ni Deanna sakin

Mabilis naman akong pumunta sa kanila

"Bakit love?anong nangyari?" tanong ko

"He pooped" sagot niya

"Makatawag ka naman akala ko kung ano na" sabi ko sa kanya "Hugasan mo dun at palitan mo ng diaper"

"What?no way you wash him" sabi niya sakin

"Dali na para matuto ka" sabi ko sa kanya

"Ayoko nga,ikaw na" sabi niya at binigay si Jacob sakin

"Hay nako,iready mo na nga lang yung diaper niya" sabi ko sa kanya

Umakyat na kami sa taas at pumunta sa room namin

Pumunta kami ni Jacob sa banyo

Hinubad ko yung shorts at diaper niya,nakalimutan ko namang kunin yung soap ni Jacob

"Deanna Wong halika dito!" tawag ko sa kanya

"Ayoko ikaw na maghugas sa kanya" sabi niya sakin

"Pupunta ka dito o hindi?" tanong ko

"Hindi,papahugasin mo sa kanya eh" sabi niya

"Jacob wag kang malikot mabibitawan kita" sabi ko kay Jacob "Deanna Wong!!"

"Bahala ka dyan" sabi niya sakin

Ang sarap batukan ng babaeng to 😑 ang likot pa ng batang to

"Deanna ano ba!pumunta ka na dito ang likot ni Jacob baka mabitawan ko to" sabi ko sa kanya

"Oo na" sagot niya

Pumasok naman siya dito sa banyo

"Kinunin mo yung sabon niya bilisan mo" sabi ko

Lumabas siya at pagbalik niya dala niya yung sabon ni Jacob

"Baby wag kang malikot please" sabi ko kay Jacob

Kinuha ko na yung sabon niya at sinimulan siyang hugasan

Ganito pala mag alaga ng bata lalo na kapag malikot,nakakapagod

"Ayan nabasa ka tuloy sa sobrang likot mo" sabi ko sa kanya

"Ako na hahawak sa kanya" sabi ni Deanna

Siya na humawak kay Jacob at tinapos ko na yung paghuhugas sa pwet ni Jacob

Nung wala ng sabon inoff ko na yung shower then lumabas na kami

Pinahiga siya ni Deanna sa bed then pinunasan ko na si Jacob

My Greatest RewardWhere stories live. Discover now