Jema's POV
July na ngayon at 4months na ang aming prinsesa,bukas na yung binyag niya at syempre ang birthday ng asawa ko 😊
Nandito kaming tatlo ngayon sa room namin
Si Deanna yung nagbabantay kay Ari habang ako naman inaayos yung susuotin namin bukas
Wala dito si milo ngayon kasi sinama siya nila Nanay,sa condo lang naman ni Mafe sila pumunta
After nun lumabas na ako ng walk in closet namin
"Done ka na Mommy?" tanong ni Deanna sakin
"Opo" sagot ko
Nag alcohol muna ako then tinabihan silang dalawa
"Tulog na po" sabi ko and I slightly tap the tip of our baby's nose
Natawa naman siya sa ginawa ko kaya napangiti kami sa kanya
"Hindi pa yata inaantok eh" sabi ng Dada niya
"Gusto pa yata makipagkulitan sayo eh" sabi ko at sinandal sa shoulder niya yung head ko
"You wanna sleep Mommy?" tanong nita sakin
Umiling naman ako
"Kayong dalawa yung dapat matulog" sabi ko
"Later na po" sabi ni Deanna at hinalikan ako sa head "Nga pala Mommy,diba sa Sunday walang work lahat ng relatives mo?"
"Yes Dada,bakit?" tanong ko sa kanya
"Lets go to EK on Sunday,since that day nandito naman yung sa side ko.Lets have a bonding,rent natin buong EK" sabi niya sakin
"Oo nga no?sige,maganda yan" nakangiti kong sabi "Pero pwede pa ba yun?I mean biglaan kasi,sa Sunday agad yung pagrent natin"
"Leave that to me" sagot niya
Bigla naman kaming nakarinig ng may nagvibrate sa side table namin
"Kanino yun?" tanong ni Deanna
Umupo ako sa bed and tinignan yung phones namin
"Phone ko pala" sabi ko
Inopen ko yung message
Pagkabasa ko lumingon ako kay Deanna
"Dada may tatawagan lang ako saglit ha" sabi ko sa kanya
"Sino?is that important?" tanong niya
"Yes po eh,balik ako agad dito" sagot ko
"Pwede mo namang tawagan dito bakit need mo pang umalis?you always have phone calls naman kahit kasama mo ko" sabi niya sakin
"Ah eh ano kasi" ano ba sasabihin ko?
She take a deep breath and tumingin nalang kay baby
"You can go" sabi niya sakin
Sorry love
Tumayo ako and lumabas ng room namin
Bumaba na muna ako then pumunta sa backyard
Tinawagan ko na yung dapat kong tawagan
Saglit lang naman yung pakikipag usap ko sa kanya then binaba ko na
Naglakad na ako papasok then umakyat na ulit sa room namin
Nilagay ko na ulit sa table yung phone ko then nag alcohol