Jema's POV
Kakatapos lang ng pvl nung Saturday at silver medalist lang ulit yung team namin,ang cmft naman 4th place lang sila
Bawi nalang kami sa open conference
Since pwede na kaming magvacation,nandito kami ngayon sa Cebu pero hindi alam ni Deanna
Birthday niya kasi ngayon at isusurprise ko siya
Kinausap ko naman ang family niya about sa surprise ko kaya tinulungan kami nila Tito para hindi malaman ni Deanna na nandito kami
Nandito din sina Tatay,kanina lang sila dumating.Naghalfday lang sila today then nagleave sila para bukas since Friday na rin naman bukas
Uuwi rin naman sila Sunday
Dito na kami nagset up ng surprise sa resort nila
"Magugustuhan kaya to ni Deanna?" tanong ko
"Of course" sagot nila Ate Ly
"Wala ka namang surprise na hindi nagustuhan ni Deanna" sabi ni Bea at nag agree naman silang lahat
"Pero mukhang ito yata ang birthday ni Deanna na pinag effortan mo ng sobra" sabi ni Maddie
"Oo nga" pag sang ayon pa nila Kyla
"Ilang years rin kasi kaming hindi magkasama sa birthday niya eh" sabi ko sa kanila
Nagkwentuhan lang kami dito hanggang sa magtext sina Ate Cy na malapit na daw sila dito
May sinend siyang video ni Deanna at halatang mainit yung ulo niya,inis na siya sakin eh.Mula kasi kaninang umaga hindi ko pa siya nakakausap
Chineck ko muna lahat at nung okay na pumunta na kami sa mga room namin,dito ako pumunta sa room ni Deanna
After kong magpalit ng damit inayos ko muna yung room,dito kasi yung first surprise ko for her
Nung okay na inoff ko yung ilaw at inon ko yung lamp sa may bed,may mga fairy lights rin naman
Inantay ko lang siya dito at maya maya lang ay bumukas ang pinto
"Hello my love,happy birthday" nakangiti kong sabi sa kanya
Halata naman sa mukha niya yung pagkagulat at hindi talaga siya nakapagsalita
Nilapitan ko naman siya
"Y-You didn't forget?" tanong niya
"Nope,kailan ko pa nakalimutan ang birthday ng baby Deanna ko?" sagot ko sa kanya
Niyakap niya naman ako ng mahigpit
"Thank you love" sabi niya at humarap siya sakin "I love you"
"I love you too mahal ko" nakangiti kong sagot
Napangiti nalang din siya and I kissed her pero saglit lang
Pinapalit ko na siya ng damit
"Lets go love,may isa pa akong surprise" sabi ko sa kanya paglabas niya ng banyo
"Teka picture muna tayo" sabi niya sakin
Kinuha niya yung phone niya at nagpicture kaming dalawa,meron ding picture na solo lang siya
After nun lumabas kaming dalawa at naglakad papunta sa may seashore
Pumunta kami sa part kung nasan yung surprise ko
"Where are we going love?and part ba ng surprise mo yung walang ilaw dito?" tanong niya sakin
"Opo,nandito na tayo" sagot ko at tumigil kami sa paglalakad