Deanna's POV
Its already 23rd of December and today yung baby shower ni Ari kaya we're here ngayon sa Laguna
Sina Mommy papunta palang dito they're with our families,sina Ate Ly on the way na rin daw sila
Hindi na namin sinama sina milo dito
"Mommy?I'm going to the pool area po muna ha,check ko lang if everything's okay na" sabi ko kay Jema
We rented a villa here in Laguna for today's event and nauna lang kami ni Jema dito sa place
"Okay Dada" sagot niya sakin
Lumabas na ako and bumaba na then I went to the pool area
"Is everything okay na guys?" tanong ko sa mga nag aayos
"Yes ma'am,foods nalang po yung aayusin then all done na" sagot nila sakin
"That's good" sabi ko and I smiled at them
They continue what they're doing na and ako naman I'm checking everything
Maya maya lang ay nagmessage na si Ate Jovi sa gc namin na nasa labas na daw sila
Hindi naman lahat ng relatives ni Jema makakapunta,yung iba kasi tomorrow pa dadating for the reunion
Naglakad naman ako palabas ng bahay
"Tita Da" nakangiting sabi nila Jacob
"Hi kids" nakangiti kong sabi
Lumapit sila sakin at isa isa silang nagkiss sa cheeks ko
"Good morning po" nakangiti kong bati at nagmano kela Lolo
"Magandang umaga din sayo apo/Good morning din sayo Deanna" sabi nila while smiling
"Tara na po sa loob" sabi ko sa kanila
"Antayin nalang natin Deans sina Mafe,nakasunod lang yun samin eh" sabi ni Ate Jovi
"Ah sige Ate" sagot ko
"Si Jema nga pala?" tanong ni Lola
"Nagbibihis pa po La,maya maya tapos na rin yun" sagot ko sa kanya
Dumating naman sina Mafe kasama yung jowa niya and her fam
Nakakahiya naman kasi if si Jane lang iiinvite namin
We also invited Kuya Mike's family
Nandito rin sina Tito Matteo,we invited him and his family since super close naman sila nila Tatay
Its like a christmas party na rin
"Tara na sa loob" sabi ni Tatay
Naglakad na kami papasok sa loob then we went to the pool area
"Woah/Wow" their reaction nung nakita nila yung set up
"Baby shower ba talaga to Ate Deans?mukhang birthday na ni baby Ari eh" sabi ni Mafe
'princess' yung theme ng baby shower since our baby Ari is a girl
"Baby shower palang to Mafs" sagot ko sa kanya
Pinaupo ko na sina Lolo
"Nga pala,san namin ilalagay yung gifts Deans?" tanong ni Ate Jovi
"Saglit lang po" sabi ko sa kanya
Tinawag ko yung nakaassign para sa mga gifts
"Sa kanya niyo lang po ibigay" sabi ko sa kanila