Jema's POV
Ngayong araw pupunta ang mga relatives ni Deanna kaya nandito kami ngayon sa Laguna
On the way na rin sina Ate Ly sa venue kasama ang ibang mga vball players.Ininvite rin kasi nila Tito ang mga former teammates namin nung college
Ininvite rin nila yung mga friends ko dito
Pati na ang family ni Kuya Mike ininvite rin nila since family na rin naman daw sila ng Ate ko
Nauna ng pumunta dun sa venue sina Tatay kasi dun na didiretso sina Lolo,nandun na rin sina Mafe
Kami naman ni Deanna nandito pa sa bahay kasama si milo
"Love okay na ba?" tumingin naman ako kay Deanna
Hindi naman ako nakasagot sa kanya,napamura naman ako sa isip ko habang nakatingin sa kanya
Bakit ang gwapo niya kahit babae siya?at ang hot pa niyang tignan
Nakalong sleeve polo siya na dark blue then nakafold yung sleeves hanggang elbow niya tapos nakablack jeans siya at naka sneakers na white
Nakaunbutton pa yung first button ng polo niya
"Jessica" natigil naman ako sa pagtitig sa kanya
"B-Bakit?" tanong ko at tumingin sa mukha niya
"Am I too hot para matulala ka sakin?" tanong niya at nagsmirk pa
"F-Feeler k-ka,h-hindi ah" sagot ko sa kanya at tumalikod
Natawa naman siya sakin
"So ano nga,okay na ba?" tanong niya
"Yeah okay na,lumabas ka na isama mo si milo.Magbibihis na ako" sagot ko
"Tingin ka muna sakin" sabi niya
Tumingin naman ako sa kanya
Napaiwas naman ako ng tingin ng magwink siya
Langya tong babaeng to!
Natawa lang naman siya sakin
"Lets go milo,masyado ng kinikilig ang Mommy mo eh" sabi niya at lalabas na sana "Ay wait"
Nagspray muna siya ng perfume niya then kinuha yung car key at phone niya dinala niya na rin yung damit ni milo
Wala pa kasi siyang suot
Pagkatapos nun lumabas na sila
Pagkasara ng pinto hindi ko na napigilang ngumiti at napailing nalang
"5yrs na tayo pero kinikilig pa rin ako kahit sa simpleng wink mo" sabi ko sa sarili
"Sabi na nga ba eh" nagulat naman ako ng marinig ko siya
Nasa pinto pa pala siya
"Umalis ka na nga,mali ka ng narinig" sabi ko sa kanya
"Sige kunwari mali nga ang narinig ko" sabi niya
"Alis na,nakakainis ka" sabi ko
Narinig ko namang tumawa siya
Hindi nalang ako nagsalita at nagbihis na
Above the knee na dress na color yellow yung suot ko then 2inches na heels
After nun inayos ko muna yung hair ko then nagspray ako ng perfume
Chineck ko muna yung sarili ko,nung okay na kinuha ko na yung phone ko then lumabas