Jema's POV
New year's eve na mamaya at kasama namin ngayong new year yung families namin,gusto daw kasi nilang magkakasama kaming mag new year
First new year namin to na kasama ang both families namin ni Deanna
Mga kapatid namin yung nagsuggest na dito nalang daw sa bahay namin,kanina lang naman sila dumating
"Mommy?" rinig kong tawag ni Deanna
"Po?" tanong ko at lumabas ng cr
"Alis po muna ako,kunin ko lang yung cakes.Ready to pick up na daw yun eh,balik naman ako agad" sabi niya sakin
"Ikaw lang ba?marami yun eh.Magpasama ka nalang kela Joseph" sabi ko sa kanya
"Opo,may car naman eh.Maybe I'll ask their help nalang later pagdating ko" sagot niya
"Okay po,ingat sa pagdrive Dada ha" sabi ko sa kanya
"Opo don't worry,I'll be careful po" sabi niya at yumuko "Kuha lang po si Dada ng cake ha,balik ako agad baby"
Hinalikan niya yung tummy ko and umayos na ng tayo
Kinuha niya na yung car key niya,hinalikan niya muna ako sa forehead then lumabas na siya
Pumunta naman ako sa walk in closet namin and niready ko na yung susuotin namin later
Napatingin naman ako sa mirror at hinaplos yung tummy ko
"Ang bilis mong lumaki baby" sabi ko kay baby "Pero okay lang atleast healthy ka"
Napangiti ako habang nakatingin sa reflection ng tummy ko sa mirror
"Malapit ka ng lumabas anak ilang months nalang,kapit pa ng konti ha?" sabi ko sa kanya
Gumalaw naman siya kaya mas lalo akong napangiti
"Mommy loves you so much our princess" nakangiti kong sabi
Kinuha ko yung phone ko at nagpicture picture na muna dito 😁
Maya maya lang ay lumabas na ako and bumaba na,dumiretso ako sa dining
"Jema buti naman at nandito ka na" sabi nila Ate Jovi sakin
Sila kasi yung nag aayos dito sa dining then yung mga boys sa backyard nag aayos
Yung mga parents naman namin nandun sa pool area nagbabantay sa mga apo nilang nagsswimming
Hindi na nila ako pinatulong kasi marami naman daw sila
"Bakit po?" tanong ko sa kanila
"We're going to arrange na sana ng mga foods kaya lang hindi namin alam kung gaano kalaki yung space para sa cake mamaya" sabi ni Ditchi
"Ah ganito po yung size" tinuro ko sa kanila yung size ng cake
Sinimulan na nilang iarrange yung mga foods at nag iwan lang kami ng space para sa mga cakes
May space rin para sa ibang mga dessert
Hindi na muna namin inalis yung mga cover ng foods since mamaya pa naman kami kakain
Nung natapos na kami nagpatulong ako sa kanila para kumuha ng meryenda since maaga pa naman
Kumuha rin ako ng para kela milo
"San tayo?" tanong ni Mafe
"Sa living room nalang" sagot ko
Tinawag na namin sina Joseph pati na sina milo then pumunta kami sa living room