Jema's POV
Almost 4months na mula nung umalis kami ng Pilipinas,sa loob ng almost 4months na yun puro travel lang ang ginawa namin
Ang dami na naming napuntahang places
Sobrang nag enjoy talaga kami sa vacation namin
Ngayon lang din naman kasi kami nagkaroon ng ganito karaming time para magvacation at makapagrelax
Next week uuwi na kami kasi next months magsstart na yung training nila Deanna para sa pvl
Andito kaming dalawa ngayon sa LA and today yung schedule ng appointment namin sa doctor para sa procedure
3rd appointment na to namin today
Yung una is para kay Deanna,yesterday naman nagpatest ako kasi baka magkaproblema sa procedure luckily healthy naman sabi ni doc
"Tara na love" sabi ko kay Deanna paglabas ko ng room namin
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong niya sakin
"Wala na po" sagot ko sa kanya
"Okay mahal" sabi niya
Inoff niya na yung tv then tumayo
Chineck na muna namin yung apartment kung saan kami nagsstay then lumabas na
Nilock na namin yung apartment and pumunta na sa sasakyan na nirent niya
Pinagbuksan niya ako ng pinto and pagsakay ko sinara niya na yun then sumakay na rin sa driver's seat
Nagseatbelt na siya and nagdrive na paalis
"Are you ready for the procedure mahal?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko
"Yes love" sagot ko sa kanya "Pero kinakabahan ako"
Ngumiti naman siya pero sa daan pa rin ang tingin
"I know na we're new to this but wag kang kabahan and just think positive,don't worry mahal hindi kita papabayaan" sabi niya sakin
"Thank you mahal" sabi ko at niyakap yung arm niya
Hinalikan niya ako sa head and nagfocus na sa pagdrive
Nagkwentuhan lang kaming dalawa dito
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa hospital
Nagpark na siya and bumaba agad
Lumipat siya sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto
Bumaba na ako then sinara niya na yun
Nilock niya yung car then naglakad na kami papasok sa hospital
Sinabihan na namin yung assistant ni doc about sa appointment namin then umupo na muna kami sa waiting area
Habang hinihintay namin si doc hinawakan ni Deanna yung kamay ko
"You can do this love" sabi niya sakin
"Thank you love" sabi ko at ngumiti
"Wag ka ng kabahan ha?your batman is here my pikachu" sabi niya ulit
"Opo" sagot ko sa kanya
Sumandal ako sa kanya at pinanuod lang namin yung mga dumadaan
Maya maya lang ay pinatinawag na kami ni doc kaya tumayo na kami at pumasok sa clinic niya
"Good morning doc" nakangiti naming bati sa kanya
"Good morning Jema and Deanna,take a seat" nakangiti niya ring sabi