CHAPTER 20

1.6K 20 0
                                    

Jema's POV

Kakauwi lang namin kagabi ni Deanna dito sa Pilipinas at ngayon papunta kaming dalawa sa Laguna para ibigay ang gifts namin kela Tatay

December 24 na kasi ngayon

Mamayang hapon naman ang alis namin papuntang Cebu dahil dun kami magcecelebrate ng christmas

Hindi pa alam nila Tito na pupunta kami dun,isusurprise daw kasi namin sila

Pagdating namin nagpark siya sa likod ng sasakyan ni Tatay

Bumaba siya agad at pinagbuksan ako ng pinto

"Come here muna milo" sabi ni Deanna at kinuha si milo

Hinawakan niya yung kamay ko gamit ang isa niyang kamay then bumaba na ako

"Akin na si milo love" sabi ko sa kanya

Kinuha ko na si milo

"Oh nandito pala kayo" napalingon kami ni Deanna

Sina Nanay pala

"Tita Da!Tita Mommy!" tuwang tuwa si Jacob ng makita kami

"Hello baby" nakangiti naming sabi

Lumapit kami kela Tatay at nagmano sa kanila,si Jacob naman nagkiss sa cheeks namin

"Akala ko Ate Jema,Ate Deans uwi kayo ngayon ng Cebu?" sabi ni Mafe at kinuha si milo

"Mamayang hapon pa" sagot ni Deanna

"San nga pala punta niyo?" tanong ko

"Kela Matteo,ininvite kasi nila kami since last year ininvite natin sila.Sumama na kayo samin" sagot ni Tatay

"Teka ipasok muna namin sa loob yung mga regalo namin sa inyo" sabi ko sa kanila

Nagpatulong naman kami sa kanila sa pagdala ng mga regalo sa loob

"Ang dami naman neto" sabi ni Nanay

"Pati kela Lolo nandito na" sagot ko

"Ano laman nito Ate?" tanong ni Mafe

Hawak niya yung may name niya

Iniba namin yung bag na nilagyan para surprise na yung gift namin para sa kanila

"Secret,magagamit niyo yan everyday kapag may lakad kayo" sagot ko sa kanya

"I'm sure you will love that Mafs" nakangiting sabi ni Deanna

"And this is for Jacob" nakangiti kong sabi at pinakita yung gift namin

"Yey!!" tuwang tuwa siya at nagclap pa

Napangiti nalang kami sa kanya

"Tomorrow na buksan to ha" sabi ni Deanna

Tumango naman si Jacob at dinala na yung gift sa loob,nilagay na rin namin sa sasakyan ni Deanna yung mga regalo namin pati na yung para sa family ni Deanna

May gift rin sila eh

Para mamaya diretso nalang kami

After nun nilock na nila Nanay yung bahay

"Tara alis na tayo" sabi ni Tatay

"Mafs sabay ka na samin,kaming dalawa lang naman at si milo ang nasa sasakyan eh" sabi ko kay Mafe

"Sige Ate" sagot niya

Sumakay na sina Tatay sa sasakyan nila

Binuksan ni Deanna yung backseat at passenger seat

My Greatest RewardWhere stories live. Discover now