CHAPTER 23
HECTOR FELIPE
**The number you have dialed is out of coverage area, please try again later**
"What the fùkc?!" I tried calling again Amar's mobile number
**The number you have dia----**
The hell?! Pang ilang beses ko nang tinatawagan si Amar pero paulit-ulit lang ang sinasagot sa akin ng operator. Nakakaasar! Kahit ang landline niya, ring lang ng ring pero mamumuti lang ang mata ko, walang sasagot. Nasaan ba kasi si Amar?! Nagsisimula nang balutin ng kaba ang dibdib ko.
I went straight to her house as soon as I got out of the airport. Initially ang balak ko ay magpapahinga muna ako, or simply take a little sleep para naman maayos ang itsura ko pagharap kay Amar. I'll buy some flowers and gifts na rin nga sana, pero naging atat ang kalooban ko at di na nakapaghintay, ginusto ko na kaagad makausap si Amar, pero heto naman ang scenario ko ngayon. Ang nadatnan ko ay ang tila ghost house na ito. Parang walang ka-tao-tao. I tried ringing the doorbell so many times, pero wala pa rin. Tinatawagan ko siya, at mukhang wala akong mapapala.
Just where are you Amar?
Biglang pumasok sa isip ko si Henri Damian. Aha! for sure alam na alam ng magaling kong kapatid kung nasaan ang Amar ko. Oo, akin siya!
Hindi na ako tumawag pa kay Henri. I got inside the car and drove to our house. Ang alam ko naman kasi ay pinapagpahinga muna siya ni Mama from work, so sa ngayon ay palagi silang magkasama. I need to talk to him as well. Lilinawin ko na habang maaga na walang sila ni Arra Martina. Na sa akin si Amar at ako ang totoong boyfriend ng babaeng yun.
When I got to our house, sinabi ng maid na nasa room ni Mama ang mag-ina. I hurriedly went to them so I could ask Henri, kung nasaan ba si Amar. Nadatnan ko silang nakahiga sa kama, our Mom's cuddling my brother like a little boy. She was even caressing his hair. It was such a sweet sight ,pero hindi yun ang iintindihin ko sa ngayon.
"Henri Damian, where is my girlfriend?!" Gulat na nag-angat silang dalawa ng tingin sa akin. My mother instantly smiled at me, ang kapatid ko naman ay gulat na gulat.
"Girlfriend? Sino?" Nag-iinit ang ulo ko! Gusto yata ng isang ito ng sakit ng katawan. Nanlalaki ang mata na sinagot ko siya.
"AMAR of course! Sino pa ba?!" Lalabas na ang litid ko sa leeg. Iniinis ako ng lalakeng ito. The audacity to ask kung sino ang girlfriend ko?! Ano? Kino-consider pa rin niyang Gf niya si Amar?! Hell no!
"Uhhh… You left, remember?" Tila nanunuya na sagot na naman ni Henri. My blood is boiling as I look at him, and as if that's not enough, nagsalita na naman siya. "Plus you two are not really official."
"SIRA ULO! Nasaan nga si Amar?!" Actually, I was quite taken aback when Henri said that 'I left'. That was enough reason for Amar to consider that I am no longer part of her life. I hurt her. What If ayaw na niya sa akin? My chest began to feel tighter. I really shouldn't have decided to walk away that time. Kinain lang ako ng galit. I should've stayed and listened. At least, dapat nagpa-hupa muna ako before acting on my decisions. Pero nasa huli talaga ang pagsisisi.
My forehead creased when his face suddenly fell. It was our mom who talked this time. "She's out of reach anak, we've been calling her and visiting her house for the Nth time, but I guess she's just not ready to talk or see any of us."

BINABASA MO ANG
Who Do You Love?
RomanceAko? Ikaw? O siya ba? " Basta ang gusto ko happy ka " The author is not a professional writter. The story may contain grammatical and typographical errors. *Mature Content* READ AT YOUR OWN RISK.