CHAPTER 12
ARRA MARTINA
Nagising ako sa mumunting mga halik na dumadampi sa aking pisngi. Nararamdaman ko ang mainit na katawang yumayapos sa akin. Hindi ako makagalaw, hindi dahil sa mayroong mali sa aking katawan, kundi dahil nagtatalo ang isip ko at ang aking damdamin. Hahayaan ko ba ito o ngayon din ay pipigilin?
Iginalaw ko ang aking katawan at bumaling sa aking tabi. Nagtama ang aming mga mata at ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang bawat paghinga. Heto na naman ako ,nalulunod sa kaniyang mga tingin. Sa isip ko ay nais manaig ng tama, pero ang buong ako ay sumasaliwa. Unti-unting lumalapit ang kaniyang mukha sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa akin.
Amar….
Gising
Hindi maaari
Sa ano mang kadahilanan, sa kahit anong pag salungat ng aking isip at kung ano ang tama ay hindi nagwawagi. Naging pinaka.. pinaka.. marupok ako in the world at tinanggap ang mga halik. Sumunod ang mga haplos at ang unti-unting pagkaalis ng bawat tabing sa aking katawan. Hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na humahalinghing sa bawat paggalaw ng pangahas sa pagitan ng aking mga binti.
Kailan naging ganito kahirap tanggihan ang bagay na alam kong mali?
Alam kong di dapat, pero hindi ko maiwasan.
Sa bawat banayad na pag yakap, sa pagdiit ng balat na sa akin ay tumutunaw, nararamdaman ko na dito ko ginustong mapunta ang lahat.
Ang bawat hagod ng kaniyang mga labi sa aking balat ay parang mga bulong na orasyon. Iniiwan ako nito ng mga marka upang manghingi pang muli at patuloy na manabik. Ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay musika sa aking pandinig. Para akong isang bulaklak sa luntian, at siya ang hamog na matagal ko nang hinihintay. Kung kami ay nasa pelikula, ang pamagat nito ay 'dilig'.
Sa isang iglap ay napapikit ng mariin ang aking mga mata at nasulyapan ko ang mga anghel na nag-aawitan.
"Amar…." Bulong ng aking kaniig sa aking tainga. Kasabay noon ay ang pagpisil ng kaniyang malalambing na daliri sa aking tagiliran. "Hmmmm…"
Bago ko pa man maidilat ang aking mga mata ay pinaulanan niya ng magagaang na halik ang mga talukap ng mata, sa noo, sa pisngi, sa ilong, at sa labi. Ninanamnam ko ang kakaibang pakiramdam na hatid noon sa akin.
"Amar… how do I undo this?" Sa aking pagdilat ay sumulubong sa akin ang magaganda niyang mata. "Tell me? How do we undo this?" Panay ang bulong niya sa aking mga labi. Sa bawat segundo ay napupuno siya ng lungkot at takot. Tapos ay pumikit siya at pinagdinikit ang aming mga noo. "...Amar."
BINABASA MO ANG
Who Do You Love?
RomanceAko? Ikaw? O siya ba? " Basta ang gusto ko happy ka " The author is not a professional writter. The story may contain grammatical and typographical errors. *Mature Content* READ AT YOUR OWN RISK.