QUINCE

48 2 3
                                    

CHAPTER 15




ARRA MARTINA




"Baby, let's go. Nauna na doon si Mama at si Kuya Hex."  I looked at Eri. Dala-dala niya ang tote bag ko maging ang shoulder bag. Sinusundo niya ako ng maaga dahil nagpasimuno siya ng 'family day' kuno. So, mag-stay kami sa hotel ng two days and one night. Kasama si Tita H at si Hex.




Hindi ako mapakali.




"Oo na BF, sunod na ako sa car." Tumango siya at saka lumabas ng silid. Ako naman ay napahinga ng sobrang lalim at napaupo sa kama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, o kung paano kaming tatlo mamaya kapag magkakasama na. Kasalanan ko ito. Dapat pinigilan ko ang sarili ko.  "ARRRGGHHH!"  Sobrang frustrated ako, nasabunutan ko pa ang aking sarili.




Ang tanga tanga lang Amar!




"Baby ko! Ano bang ginagawa mo?! Halika na nga!"  Bumalik pa siya akin, ganoon na ba ako katagal nag-e-emote?!




Tumayo ako at sumunod sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad para hintayin ako at sabayan. Napaigtad ako nang hapitin niya ako sa beywang mula sa tagiliran tapos ay patakan ng magaang na halik sa pisngi.




"Ang sexy mo baby. Bagay sa'yo iyang binili ko na dress." Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Juisko na lang talaga!




Nang makasakay ako sa kotse ay tinitignan ko lamang si Eri habang sinisiguro na naka-lock ang bahay ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagkapahiya sa aking sarili. Bakit ba kasi ako ganoon?! Anong ginagawa ko?!




"Ay daan pala tayo sa bakeshop Baby ko. Gusto daw ni Mama ng Mango Cream Cake." Ngumiti pa siya ng pagkatamis sa akin. Nang makasakay ay nagsuot siya ng seatbelt, at tinignan niya rin kung ayos na ang sa akin. Pinisil niya ako sa pisngi na tila tuwang-tuwa sa akin.  "Ang sexy mo talaga!"  Sinabayan niya pa iyon ng tawa.




Naisip kong masaya si Henri Damian. Nakikita ko sa mga ngiti, tawa, at kilos niya. Sino ako para sirain ang kaligayahan niya? Ayaw ko siyang maging malungkot. Siya lang ang naging karamay ko noon sa mga ups and downs ko. Kaya ibabalik ko sa kaniya ang mga iyon. Susuklian ko ang kabutihan at pagmamahal niya sa akin. Mahal ko si Eri. Oo, mahal ko siya…




"I'm glad you are happy, Bf." Wala sa sariling sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.




"Oo happy ako, kaya mamaya mag-swim tayo sa pool doon ha?! You'll have to wear the bikini I bought you."  Tapos ay pinasadahan niya ang katawan ko ng nakakalokong tingin.  "Eh bakit parang palaki yata ng palaki iyang boobs mo?!" Nakakunot pa ang noo niya at tila takang-taka.




Napatakip ako ng braso sa aking mayamang dibdib. Grabe naman…  "Hoy! Hindi noh! Malaki na talaga ito noon pa!"




"Ha?! Parang mas malaki talaga ngayon eh!"  Ipagpipilitan talaga niya!




"Mag drive ka na nga lang! Kainis ka!"  Singhal ko na pinagtawanan lang niya. Laking pasasalamat ko nang tigilan niya ang kapapansin sa dibdib ko.




Pagkatapos bumili ng kung anong mga pastries at cakes sa bakeshop ay dumiretso na kami sa hotel. All-expense-paid ito ni Eri. Hindi ko alam kung anong dahilan, basta trip niya ang mag waldas ng pera ngayon. Kung sabagay, kahit kailan naman ay hindi niya iyon naging problema. Kahit si Hex ay mahilig gumastos, panay lang ako na tumatanggi.




Hex… My gahd si Hex. Malamang na nakasimangot na naman iyon mamaya pagdating namin. Sa magkapatid, si Hex ang seloso. Palaging nakadikit din, mas clingy pa kaysa sa akin.




Who Do You Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon