VEINTE QUATRO

29 1 0
                                    


CHAPTER 24




HECTOR FELIPE




WHEN I saw that white thing, I immediately thought na may tao sa loob ng bahay. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo. Kung hindi si Amar ang nasa loob, baka masamang tao na ang nakapasok. Bakit parang suki ang bahay ni Amar ng mga kawatan?! Crazy.



Ngunit nang maisip ko na baka nga nasa loob si Amar, at baka may masama ring tao na nanloob ay bigla akong kinabahan. Paano kung napahamak na dito mismo si Amar at walang nakakapansin manlang?! Bumigat ang pakiramdam ko. Kailangang-kailangan ko nang makita si Amar! Wala na akong pakialam kung trespassing itong gagawin ko, sapilitan ko nang papasukin ang bahay niya!




I stood in front of the door. Game face on pa ako. Tapos medyo umatras ako ng ilang hakbang para maka-bwelo ng lakas. I need to slam the door, I need to hit really hard. I ran towards the door and forcefully hit it with my upper body. Tumama ang kaliwang braso ko sa kahoy na pinto.  "Fvck!"  I grunted when I felt the force towards me. Tanginang yan! masakit! 'Solid' ang pinto ng bahay ni Amar kaya hindi ko alam kung magandang idea ang ginagawa ko. But I need to do this… Isa pa…  I again stood a few steps back, medyo nag tatalon-talon pa ako na parang naghahanda sa boxing match para makuha ang tamang tempo. I put one foot step forward and ran towards the door, again. "Ahhhhh!" I even made a sound para nandoon ang adrenalin! Pero hindi pa ako nakakahakbang ng pangalawa nang bumukas ang pinto.




Bumukas ang pinto.




And there…. there's my lady, Amar. Looking like….




"Hoy! Gago!"  She shouted while her eyes were shut closed. May hawak pa siyang manipis na tubo at inaamba niya yun para ihampas sa akin. Pagkumpas niya ng kaniyang panghampas ay kaagad ko itong sinalag. When she felt that, Amar opened her eyes and she stiffened. Seconds of silence…..  Pareho kaming natigilan nang mag-sink in sa amin ang sitwasyon. Ilang segundo kaming nagkatitigan, mata sa mata.




"H-Hex?!"  Her eyes were wide and she has this funny facial expression. Para bang hindi siya makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya. I, on the other hand, looked at her from head to foot. She's only wearing a white sando, and a very short… i mean short, shorts. Kitang-kita ang mabibilog niyang hita! Wala siyang bra! Sa white na sando! Anong trip ng babaeng ito?!




"And why are you dressed like that?!"  My voice was full of disbelief. Pambihirang babaeng to! Anong akala niya? Okay humarap sa strangers ng nakaluwa ang lahat sa kaniya?! Obviously, akala niya may nakapasok na naman sa bakuran niya na kung sino kaya siya may dala na pamalo. Nakadala ng pamalo, hindi nakapag suot ng bra?! Ha?!




"Ha? A–ano kasi—"  Noon ko napansin na magulo din ang buhok niya. Nakatali pero nakakawala na halos lahat ng hibla. Mukha rin siyang kakabangon lang mula sa kama. Literal na mukhang iniluwa si Amar ng kama. I walked near her. Tinititigan ko pa rin siya. She suddenly became uncomfortable. Na-conscious yata sa itsura niya. She's still so beautiful by the way. Medyo messy nga lang at… pumayat. Medyo humpak ang mukha niya. I guess… hindi naka-ganda na umalis ako. Bakit ko kasi iyon ginawa…?  "B-bakit ka nandito? Umalis ka diba?"  She's trying so hard not to cry and I felt really bad. So bad.




"Cause you're here… kaya nandito na ulit ako."  I really wanted to be near her so I stepped to get closer. To my disappointment, she pulled back. Isinara pa niya ng bahagya ang pinto. I felt a pinch in my chest. I must have hurt her so much that she wants nothing from me at all.




"Don't. Just Don't, Hector."  I was just staring at her. Hindi ako makagalaw. Ito na iyong kinatatakutan ko. She's gonna tell me later on that she doesn't want me in her life anymore. Painful.




Who Do You Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon