PROLOGUE
" Bernard! Huy! Huy! Gising! " , Buhay pa ba itong si Bernard? Inalog-alog ko ang garapon kung saan nakalagay ang froglet ko para sa Comparative Anatomy Lab na subject namin. Kanina pa kasi ito walang kagalaw-galaw kaya baka chugi na. Eh aba sayang naman ang treinta pesos na pinambili ko rito!
Dahan-dahan akong bumaba sa overpass. Pupunta kasi ako sa convenient store dito sa tawid ng University namin. Medyo nakaluwag-luwag kasi ako ngayon dahil binigyan ako ni Tatay ng extra baon.
Nag-crave ako ng slurpee at hotdog in a bun kaya dito ako kakain. Sa side kasi ng University namin ay puro street foods, iyong pang masa lang. Sa side na ito, sa kabila nga, eh pang mayayaman. Pang mayaman din naman kasi ang University sa side na ito. Akalain mo iyon, magkatapat lang pero kitang-kita mo ang kaibahan ng antas sa buhay. Sa side nila laging traffic ,puro kasi de kotse ang mga nag-aaral. Sa amin traffic din naman, pero pa-jeep-jeep lang kami at saka bus.
Tinulak ko ang mabigat na pinto ng convenient store para makapasok. Inilapag ko muna ang bag ko at ang garapon ni Bernard sa may dining table sa gilid. Iyon bang mahaba na counter tapos may nakahilera lang na bilog na upuan. Matapos ay nag diretso na ako sa kuhaan ng hotdogs at slurpee. Nasa kalagitnaan ako ng pagkausap sa sarili kung raspberry ba or cola flavor ang kukunin nang may pumasok na matangkad na lalake, studyante ito sa Blue Agilas. Ang guwapo niya, at ang kinis. Daig pa ako! Dahil sa kukuha din siya ng cold drink, binilisan ko na at kumuha na ng cola. Dali-dali na akong pumunta sa cashier at nagbayad, then naupo na ako sa dine-in area.
" Bernard.... yoohoo.... " , Kauupo ko pa lang at ang itsurang naghihingalo na nitong palaka ang nakita ko. Wala naman kasing butas manlang sa takip ng garapon itong ibinigay sa akin ng kaklase kong nagbenta ng palaka! Nawawalan na ng oxygen ang future specimen ko! Wala akong choice, kailangan na niya ng hangin. Pero hindi ko siya ima-mouth to mouth ha! Iniangat ko ang takip ng garapon para makapasok ang oxygen. Mukha namang bangag si Bernard, hindi ito makakatalon palabas. Nagsimula na akong kumain. Natuwa ako nang umupo iyong studyante ng Blue Agila dalawang upuan mula sa akin. Ang guwapo talaga...
" Aaaaaaaaayyyyyhhhhhh!!!! " , Napapitlag ako nang tumili ang isang.... lalake. Si kuya na katabi ko ,tumitli siya!!!? " Oh my god my palaka!!! " Napatayo akong bigla, nang lingunin ko si Bernard ay wala na siya sa garapon. Ang walanghiya! Mapanlinlang! Sinubukan kong hulihin ang patalon-talon na palaka. Para akong gaga sa loob ng convenient store habang iyong lalake ay parang mahihimatay sa kakaiwas. Nang magbukas ang pinto, nakatalon si Bernard palabas. Pagkamalas-malas pa saktong may napadaan na motor, hayun, pisak! Wala na ang lab project ko! Ang treinta pesos ko! Oh my Brenard Palaka!
" Grabe ha! Why did you let the frog out?! " , Napatingin ako kay kuya, kasi lalake na ulit ang boses niya.
" S-sorry, hindi ko sinasadya. " , Grabe ang sungit naman niya. " Pasensya na talaga. "
" Sorry? " Nilapitan niya ako at hinapit sa may siko. " Nakita mo ba? Madaming nakapanood na tumili ako! " Pabulong na anas nang sabihin niya ito.
" H-huh? " Wala kasi akong ma-gets.
" Tss! Nakita ako ng kakilala ni kuya! Ayan siya yung naninigarilyo na sa labas. " , Oh ano naman kinalaman ko dun?! " Kanina nandiyan siya sa may door, gurl! Kailangan hindi siya makapagsumbong sa amin! Lagot ako! "
BINABASA MO ANG
Who Do You Love?
RomansaAko? Ikaw? O siya ba? " Basta ang gusto ko happy ka " The author is not a professional writter. The story may contain grammatical and typographical errors. *Mature Content* READ AT YOUR OWN RISK.