Wrenna's POVNakaupo ako sa harapan ng bahay ni Mireya. Ang sakit na kasi ng binti ko dahil matagal na akong nakatayo. Nag aya na naman kasi sya na gumala kami kaya nagpunta na ako kaagad. Linggo naman ngayon at kasama naman ng lola ko ang mga amiga nya kaya walang tao sa bahay. Wala rin naman akong gagawin. Umalis din naman ang roomate ko na si Soliana. Malamang na mag kasama na naman sila ni Luan. Naku goodluck na lang talaga kay Luan. Napakarami pa namang dada no'n ni Soliana. Pero bahala na sila basta masaya silang dalawa. "Super close friends" daw kasi sila sabi na rin ng mga kakilala namin. Pero duda ako doon.
"Wrenna, natatakot ako. Pwede ba na doon muna ako sa bahay nyo?" Bigla akong napalingon-lingon sa paligid dahil sa pamilyar na boses na aking narinig. Walang ibang tao ang nandito sa labas. Napalunok ako at lalong kumabog ang puso ng maalala ko na naman sya.
Tumayo na ako at huminga ng malalim ng biglang may humawak sa balikat ko kaya napasigaw ako ng malakas dahil sa gulat. Nakangiti naman akong tiningnan ni Mireya at halatang nagpipigil ng tawa.
"Anong nangyari sayo? Bakit gulat na gulat ka?" Natatawa na nyang tanong.
Umiling-iling lang ako. "Kasi naman....Bigla bigla ka na lang manghawak ng balikat. Nakakagulat kaya."
Muling tumawa si Mireya at saka ako inakbayan. Naisip ko lang bigla, ang tagal na pala naming magkaibigan. Sya ang pinaka una at pinaka matagal kong kaibigan.
Noong elementary ako madalas akong mabully dahil sa height ko kasi nga maliit ako. Lahat ng kaklase ko nakatingin na sa'kin kapag pinapapila kasi nga ako yung imaasahan nila na nasa unahan.
Walang lumalapit sa'kin dahil nga nabubully ako at wala ni isa ang nangahas na ipagtanggol ako. Ang nagagawa ko na lang ng panahon na iyon ay ng umiyak at umasang uwian na para makatakbo na ako pauwi sa bahay. Pakiramdam ko wala akong makakapitan, na wala akong pwedeng pagkatiwalaan maliban sa lola ko. Hindi ko sinabi kay lola yung mga pambubully sa'kin. Hanggang sa nag decide kami ni lola na lumipat ng school. Kasi sabi sa'kin ni lola na may trabahong nag aantay sa kanya kapag lumipat kami ng bahay. Pumayag ako kaagad.
Akala nga ng lola ko malulungkot ako na aalis kami pero sobrang saya ko noon. Kasi nga sa wakas makakalayo na ako sa mga nambubully sa'kin. Naisip ko noon na magkakaroon na rin ako ng kaibigan na makakausap ko at magiging kaclose ko. Pero mali ako dahil noong tumuntong ako ng middle school halos lahat ng mga kaklase ko mag kakaibigan na. Kaya mag isa ako palagi. May mga nakakausap ako na kaklase pero yun lang yun. Wala akong nakakasabay kumain at walang kakwentuhan. Siguro nga wala na silang pakialam sa kagaya ko dahil nga may mga kanya-kanyang circle of friends na sila.
BINABASA MO ANG
Wind Flower [WheeSa Fanfic]
Fanfiction[Epistolary] -Completed- (Mamamoo Fanfiction) Two unique flowers are destined to meet at a wide field. They are so unique that almost everyone doesn't accept them. They want to forget the things that happened in their past. What will they d...