030

33 7 0
                                    


Wrenna's POV

Ayoko na munang lumabas ngayon. Ewan ko ba sa sarili ko. Mas nagiging malinaw ang ibang alaala ko ngayon na gusto ko nang makalimutan. Halos i-untog ko na ang sarili ko para lang malimutan ko yung nangyari noon. Muling bumabalik sa alaala ko yung mga panahon na naging magkakaibigan kami.




Masaya naman ang mga araw na iyon. May event sa school noon at madami ang mga studyante sa school namin. Mula sa malayo ay nakita ko si Mireya. Hindi pa kami gano'n kaclose noon pero kinakausap nya ako. May mga dala syang box tapos noong malapit na sya sa'kin ay bigla syang natalisod. Sakto pa na mula sa bintana ay may nagkalaglagan na bulaklak. Mga purple na wind flower o anemone. Unti-unti itong nahuhulog sa sahig saka ko muling napagbalingan ng pansin si Mireya at nakakalat na ang mga papel na nasa loob ng box. Kaagad ko naman syang tinulungan at magmula noon, hindi ko namalayan na kaibigan ko na sya.


Napaalis sa school namin yung mga bully at si Mireya naman ay napasama sa student council. Marami ang nag kumumbinsi sa kanya na tumakbo bilang president pero mas pinili nya maging vice president. Naging busy sya pero di naman nya ako kinakalimutan. Kahit na marami syang inaasikaso ay may oras pa rin sya para makipagkwentuhan sa'min.


Masaya ako na naranasan ko na ang kumain na walang ibang lalapit para lang mangulo at agawin ang pera o pagkain ko. Naiiyak pa nga ako noon kasi nga ang saya ko. Kasi dati kung saan pa ako nagtatago gaya na lang sa cr, sa ilalim ng teachers table o kaya naman sa taguan ng mga cleaning equipment para lang makakain ng maayos. Hindi ko talaga inaakala na darating ang araw na ngingiti at makikipag kwentuhan ako kasama ang mga kaibigan.

Talaga ngang masasabi ko na kaibigan ko sila. Hindi nila ako pinapabayaan at lagi nila akong binabantayan na para akong isang baby. Hindi naman ako nag rereklamo kasi alam nila na matagal na akong nabubully naikwento ko na rin kasi sa kanila ang mga nangyari noong elem pa lang ako.

Kami na ang team na kompleto. Tatlo kasi kaming mag to-tropa. Kaibigan ko si Mireya at ganon na din si Aldric. Si Mireya yung masasabi ko na matapang at confident. Si Aldric naman ay parang isang knight in shinning armor. Ipinagtanggol nya ako mula sa mga bully bago pa man sila tuluyang mapatalsik noon. At dahil sa kanya kaya mas nadiin yung mga babaeng nambubuly sa mas mababang grade level. Isa kasi sya sa nagsabi sa mga teachers ng totoong ginagawa ng mga bully. Kaya marami ang pasasalamat ko sa kanya. Habang ako naman yung mahina sa aming tatlo yung kailangan pa protektahan dahil nga sa liit ko.



Wind Flower [WheeSa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon