[ Epilogue ]
Parehong di maipaliwanag ang nadaramang saya habang magkahawak kamay silang nag pe-perform sa stage. Kumikinang ang kanilang mata habang nakatingin sa isa't-isa. Mas lalo silang nasiyahan nang makita ang nakabukas na flashlight ng mga fans na patuloy na sumasabay sa kanilang pagkanta.
Matagal na itinago ang kanilang relasyon lalo na noong nag sisimula pa lang sila sa industriya. Napagusapan nila ito ng maigi dahil maari itong makaapekto sa kani-kanilang career. Noong una ay mga rumors pa lang ang maririnig ng karamihan hanggang sa nag antay sila ng tamang oras para isapubliko ang kanilang relasyon. Nagkaroon pa ng doubt si Wrenna dahil naisip nya na baka hindi na sya tanggapin ng kanyang fans pero mas lalong sumoporta ang mga ito sa kanya. Kahit ang mga taong di naman nya fan ay shiniship silang dalawa ni Mireya. Para kay Mireya, wala naman syang pag aalinlangan kung isasapubliko nila ang relasyon pero iniisip nya pa rin kung ano ang mararamdaman ni Wrenna. Naging magaan naman ang pakiramdam nila pareho sa naging reaction ng mga fans. Hanggang sa lumipas ang mga taon na hindi na nila kailangan pang mag tago.
Nagkaroon ng music festival at naimbitahan sila pareho na mag perform. Malugod nila itong tinanggap at labis na naexcite. Pinag isipan nilang maigi ang mga gagawin hanggang sa tuluyang dumating ang araw ng performance.
Ngayon na nasa harapan nila ang napakaraming tao na sinisigaw ang kanilang pangalan ay mas lalong humigpit ang kapit nila sa kamay ng isa't-isa. Pagkatapos ng kanilang performance ay pareho silang nag bow at mabilis namang lumapit si Mireya saka hinalikan ang noo ni Wrenna dahilan para mas lalong mag hiyawan ang mga manonood. Gulat na ekspresyon naman ang ipinakita ni Wrenna saka muling ngumiti at tumingin sa mga manonood at kumaway. Nakakasilaw ang mga flash ng camera mula sa mga fansite-nim pero si Mireya at patuloy na nakatingin sa babaeng minahal nya ng husto.
Matapos ng ilang araw ay natapos na ang promotion ni Wrenna para sa kanyang mini album. Naenjoy nya naman ang pag pro-promote dahil nakapag guesting sya sa iba't -ibang variety shows, nagkaroon ng chance na magconnect sa fans during fan signing events at nakapag perform din sya sa mga music shows. Hindi na sya ganu'n kabusy dahil nga tapos na ang promotion pero naimbitahan sya para maging mentor sa isang survival show at pumayag naman sya kaagad dahil makakasama nya si Soliana.
Halos araw araw ay paulit-ulit nyang pinag masdan ang cellphone dahil hindi pa ulit nag memessage si Mireya. Nalulungkot sya dahil sa hindi nito pag paparamdam pero naiintindihan nya ang pinakamamahal dahil baka busy ito. Ilang beses na rin kasing nag lalabas pasok si Mireya sa bansa para sa mga modeling photoshoots at commercials. Hindi nya na lamang ito kinulit at nag patuloy na lang sa ginagawa.
Lumipas pa ang isang buwan at madalang na lang magparamdam si Mireya. Kahit na ganun ay nag sesend pa rin ng updates si Wrenna tulad ng pag sesend ng pictures at pag memessage. Matipid ang mga reply ni Mireya pero ayos lang iyon kay Wrenna atleast ay nag paparamdam pa rin ito. Pero habang tumatagal ay napapansin ni Wrenna na hindi na nakikipag kita sa kanya si Mireya kahit pa hindi naman ito busy. Nalalaman nya iyon dahil na rin kaibigan nya ang manager ni Mireya. Tumatawag naman sa kanya si Mireya pero mabilis lang ni hindi nya maikwento nang maayos ang mga nangyayari sa araw nya gaya ng dati nilang ginagawa. Kaya nag tataka na si Wrenna sa treatment sa kanya ni Mireya. Biglang mag paparamdam tapos hindi na ulit mag chachat o tatawag manlang sa kanya. Hanggang sa ayain sya nitong magdate.
"Tara date tayo, " diretsong wika ni Mireya habang nakangiti ng malapad.
Natulala naman si Wrenna dahil kakabukas nya lamang ng pinto at iyon kaagad ang sinabi sa kanya. Pero bago pa man sya makapag salita ay hinila na sya palabas. Napakabilis ng mga pangyayari. Suot nya lang ang grey hoodie at sweatpants nya ng hilahin sya ni Mireya pero pagkatapos na makapagbihis ay mukha na syang prinsesa. Inabutan sya ni Mireya ng isang cream na flat shoes aayaw pa sana sya dahil mukhang hindi ito bagay sa suot nyang dress na light pink ang kulay. Naisip ni Wrenna na mainam sana kung naka heels sya.
BINABASA MO ANG
Wind Flower [WheeSa Fanfic]
Fanfic[Epistolary] -Completed- (Mamamoo Fanfiction) Two unique flowers are destined to meet at a wide field. They are so unique that almost everyone doesn't accept them. They want to forget the things that happened in their past. What will they d...