053

42 8 0
                                    

Wrenna's POV

Matyaga akong nag aantay sa labas ng gate at sinadya ko talaga na mauna. Mag mula ng araw na inalagaan ako ni Mireya noong may sakit ako mas naging malinaw na sa'kin. Ayoko nang sayangin muli yung oras. Hindi ko gusto na may balewala na kahit sino.

Panay ang tingin ko sa cellphone dahil inaantay ko mag reply si Mireya. Ilang araw din kaming di nakapag kita dahil busy kami pero nakakapag chat pa naman kami sa isa't-isa. Namimiss ko na sya at pinag handaan ko na ang araw na 'to. Ilang sandali pa ay nag reply sa'kin si Reya na pababa na sya. Naexcite ako bigla at napalingon-lingon na sa paligid.

Natulala ako ng matanaw ko na sya mula sa malayo. Parang biglang nag slow motion ang lahat at lumabo ang paligid na parang camera na nakafocus sa iisang object. Ang simple lang ng suot nya ngayon, naka Oversized white shirt, naka baggy pants at clear na heels na di naman ganun kataasan. Sa paningin ko parang may effects na bulaklak sa paligid ang patuloy na tinatangay ng hangin habang papalapit sya sakin.

Mas lalo syang gumaganda sa paningin ko. Matagal ko namang alam na maganda talaga sya pero di lang naman yun ang katangian na maganda sa kanya. Confident din sya at alam kong di sya kayang pabagsakin ng mga taong nang aalipusta sa kanya. Strong ang personality nya gaya ng first impression ko sa kanya pero akala ko dati na mataray sya at gusto lang na nag iisa, kasi napansin ko rin naman ang pag iwas nya noong nasa middle school pa lang kami.

"Let's go. Saan ba tayo pupunta? Tsaka okay ka na ba talaga? " Tuloy tuloy nyang tanong kaya napatulala ako lalo.

Mahina nyang hinampas yung noo ko kaya medyo natauhan ako. "Ahh.. Oo tara na tsaka okay na ako. "

"Sure ka talaga ah. Kasi kung hindi ka okay baka hilahin ko yang buhok mo. Parang wala ka sa sarili. " Nakakunot noo nyang wika habang seryoso pa rin akong pinag mamasdan.

Ngumiti ako ng alanganin bago magsalita"Ay... Lagi na ba akong wala sa sarili? P-pasensya na.. "

"Oo napapadalas na kaya tara na bago ka pa makagawa ng nakakahiyang bagay dito. " Mabilis syang kumapit sa braso ko.

Sobrang naexcite ako nang makarating na kami sa Dab Dab isang sikat na samgyupsal restaurant. Bumungad kaagad samin ang masarap na amoy ng mga marinated na karne at tunog ng mantika habang nilalagay ang mga ito sa lutuan. Naupo kaagad kami sa pwesto na malapit sa bintana dahil gusto pa rin naman namin makita yung view kahit pa may mga dumadaan na tao. Nakakarelax pa rin naman kasi may mga puno sa labas at maaliwalas pa rin naman tingan.

Kaagad naman naming inumpisahan ang pag luluto nang dumating na yung naorder namin. Sagana sa sidedish dito mag sasawa ka na lang sa kakakuha. Bale dito sa Dab Dab, ikaw na mismo ang bahala kumuha ng side dish pati na rin ng mga gagamitin na plato, platito o kung ano pa man ang pwedeng magamit tapos yung mga crew na yung bahala sa meat at tubig pati na rin sa kalan na gagamitin. Habang nag aantay na maluto ay nag ka-kwentuhan lang muna kami ni Mireya.

"Paano mo nalaman na may ganito pala? Medyo malayo na to sa school at sa ibang mall kaya di ko na to alam, " Tanong ni Mireya saka kumuha ng potato marbles.

"Actually, bago ako mag punta rito nag tingin muna ako sa internet tapos ayun nakita to tapos sikat pa. Dinadayo to pero di alam ng karamihan sa'tin kasi nga medyo malayo. " Paliwanag ko.

"Hmm.. very impressive. By the way, thank you for this. Well, deserve naman natin to kaya...cheers," Itinaas nya yung bago nya nam ay orange soda kaya ganu'n din ang ginawa ko at pinagdikit namin yung mga baso.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa maumay kami. Yung side dish pa lang kasi busog na busog na ako. May minatamis na saging, potato marbles, pipino, fish cake, melted cheese at marami pang iba. Nagpahinga muna kami sandali bago lumabas at mag lakad lakad. Di alam ni Mireya kung saan kami pupunta kaya nakasunod lang sya sa'kin.

Wind Flower [WheeSa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon