Wrenna's POV
Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi ng pagmasdan ang paglubog ng araw. Ang ganda ng pinag halong kahel, pink, purple at blue na kulay nito na syang nagpasaya sa'akin ng husto. Hindi ko na matandaan kung kelan ko ulit nakita ito. Siguro nakikita ko pero di ko lang napag tutuunan ng pansin dahil nga busy ako. Patuloy kong pinagmasdan ang pag lubog ng araw hanggang sa tuluyan ng maging madilim ang paligid. Bumuntong hininga ako at muling naglakad.
Di naman ganu'n kadilim dito dahil na rin sa mga street lights at yung ilaw galing sa mga bahay. Ang tagal na rin pala mula ng makita ko ang lugar na ito. Yung lugar kung saan kami lumaki nina Mireya at Aldric. May ibang mga bahay na bago sa paningin ko at may ilang mga tindahan na rin.
"Habulin mo ko! " Sigaw ng isang batang lalaki habang patuloy na tumatakbo.
"Sige kayang kaya kitang habulin! " Sigaw din ng isa pang batang lalaki.
Kahit na medyo madilim na ay may ilang bata pa rin ang nasa labas at nag lalaro. Linagpasan lang ako ng mga batang nag hahabulan hanggang sa makita ko sya.
Muling nanlaki ang mata ko at di makagalaw sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin nya sa'kin ngayon pero parang gusto kong tumakbo. Patuloy akong nakatingin sa mga mata nya na para bang nangungusap sa'kin na wag umalis. Lumapit sya ng tuluyan sa'kin saka ako niyakap ng mahigpit.
"Sobrang namimiss kita, Wrenna." kahit na di ko kita ang mukha nya ay alam ko na nakangiti sya.
Ginantihan ko ren sya ng napakahigpit na yakap. "Ako ren, sobrang miss na kita, Aldric. "
Sa mga oras na ito ay unti-unting pumatak ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko totoo ang lahat ng ito.
"S-sorry... " bulong ko at huminga ng malalim.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila nyang balikat. "Sorry dahil b-binaliwala lang kita. S-sorry kung di ko pinansin ang pangamba mo noong araw na iyon. N-napakababaw ng rason ko kung bakit hindi kita pinapunta sa bahay at dahil din sa pagiging makasarili ko kaya wala ka na ngayon. " pinilit kong pakalmahin ang sarili pero hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
Wind Flower [WheeSa Fanfic]
Fanfiction[Epistolary] -Completed- (Mamamoo Fanfiction) Two unique flowers are destined to meet at a wide field. They are so unique that almost everyone doesn't accept them. They want to forget the things that happened in their past. What will they d...