050

38 8 0
                                    


Wrenna's POV

Ang bigat na ng pakiramdam at malabo ang paningin ko mula pa kagabi. Kasalanan ko naman 'to kasi nakalimutan ko dalhin yung payong ko noong umuwi ako para bisitahin si lola at ang pusa ko. Umulan kasi kung kelan nasa bus na ako pabalik ng dorm. Sobrang lakas ng ulan pagkababa ko pa lang kaya basang basa na ako. Di ko na naisip bumili ng payong kasi mukha na akong basang sisiw.


Kaninang umaga akala ko mainit lang yung paligid ko kaya sinubukan ko na umupo pero di ko pala kaya dahil nga ang bigat na ng pakiramdam ko. Noong nilapitan ako ni Soliana sinabihan nya ako na ang ang init ko raw kaya nag labas sya ng thermometer at ayun nga nilalagnat ako. Napaisip tuloy ako bigla ngayong may lagnat ako kasi di naman ako madalas na nag kakasakit. Kahit nga magpaulan ako ng madalas di naman ako kaagad nag kakasakit. Siguro nag halo halo lang yung stress at pagod ko.

Kaninang umaga nilutuan pa ako ni Soliana ng agahan at sinabihan na di na rin sya papasok para mamonitor ako pero humindi ako. Hindi pwedeng umabsent sya ng dahil lang sa'kin. Yung pagkain naman kinain ko yun pero konti lang dahil nga wala akong gana kumain. Uminom na ako ng gamot pero di pa rin bumababa yung lagnat ko. Sinabihan ko rin si Soliana na wag sasabihin kay Mireya yung kalagayan ko kahit pa magtanong dahil paniguradong aabsent yun dahil sa'kin. Nakumbinsi ko naman si Soliana kaya lang ang dami nyang tanong. Nagkunyari na lang ako na natutulog para di na nya ako kulitin.

Akala nya siguro magkagalit kami ni Mireya pero hindi naman yun totoo. Dumidistansya muna ako para pag isipan ng maigi kung ano ba itong nararamdaman ko. Di naman kasi pwedeng mag assume lang ako baka masabihan pa akong delulu. Hindi ko pa naman alam kung ano ba talaga ako kay Mireya.

Bumuntong-hininga na lang ako saka dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pero yung utak ko parang lumulutang. Di ko alam kung ano ba itong nangyayari sa'kin.

Noong una ay madilim lang ang paligid hanggang sa makita ko ang mga alaala na mag kakasama kaming tatlo ni Mireya at Aldric. Ang saya pa namin noon na nag tatawanan habang nag lalakad pauwi. Sobrang excited pa kami noon na lumaki para na rin makapunta sa iba't-ibang lugar. Tsaka ang pinaka naisip namin sa mga panahon na iyon ay mag kakaroon na kami ng pera at mabibili na namin mga gusto namin kapag lumaki na kami. Akala ko naman kasi noon na magiging madali ang lahat. Akala ko makakasama pa rin namin si Aldric. Marami pa namang pangarap si Aldric at isa na doon ay ang pagiging Architect. Sa totoo lang mas alam na nya kung ano ang magiging direksyon ng buhay nya kumpara sa'kin pero ganu'n lang yung nangyari sa kanya.

Hindi talaga katanggap-tanggap ang nangyari. Gusto ko sanang malaman kung ano ba talaga ang totoong nanyare pero di ko na rin nagawa. Siguro dahil umiiyak lang ako ng umiiyak noong mga panahon na iyon. Wala na akong lakas para malaman kung anong yung nangyari.

Nakatingin ako sa mga batang Mireya, Aldric at Wrenna habang nag lalakad sila pauwi. Ramdam ko na totoo ang saya na nararamdaman ng mga batang kami kahit nakatalikod sila sa'kin. Muli akong pumikit at kasabay nito ang pagtulo ng luha sa aking pisngi.

Wind Flower [WheeSa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon