040

42 7 0
                                    

Mireya's POV

Taas noo akong nag lalakad papunta sa gate ng campus. Wala akong pakialam kung may mga nakatingin na sa'kin. Madalas kasi na pang model ang pormahan ko. Para ko ng runway itong buong campus at kilala na rin naman ako ng karamihan. Pero kahit na ganu'n di ko masasabi na sikat ako, siguro kilala nila ako kasi isa ako sa mga member ng student council.

Bigla na lang sumagi sa isip ko yung naichat ko kay Wrenna noong nalasing ako habang paakyat ng classroom. Napahinto ako at napapikit ng mariin. Hay! Nakakainis naman! Hinahunting na ako ng mga kagagahan ko!

Nagpatuloy ako sa pag lalakad at paulit-ulit na umiling. Mukha na akong tanga na kinukumbinsi  ang sarili na di inintindi ni Wrenna yung chat ko. Halata rin naman kasi na lasing ako ng gabi na yun. Yung paraan ko ng pagchachat di na maintindihan. Sa tingin ko naman alam yun ni Wrenna, alam nyang lasing lang ako. Pero di pa rin talaga mawala sa isip ko na nabasa nya yung mga messages na yun. Siguro maiisip nya na di para sa kanya yun, na pwedeng wrong send lang pero kasi naman may nilagay akong name d'on. Buong pangalan nya pa yung nilagay ko.

Nawawala tuloy yung angas ko dahil sa kinikilos ko ngayon. Parang gusto ko ng sabunutan sarili ko pero di ko magawa dahil ayoko naman na magmukhang baliw dito.

"Mireya, eto oh, " Inabot naman sa'kin ng kaklase ko yung test paper.

Napapikit na lang ako habang tinitignan yung mga tanong. Nakalimutan ko na may exam pala today, di naman ito yung exam talaga na pang finals parang long quiz lang. Sabi kasi sa'min ng prof gusto nyang ireview manlang kami kasi mukhang di na naman sya makakapag turo ng ilang weeks. Karamihan sa mga tanong di ko alam pero de bale na madali lang naman hulaan. May mga familiar akong naencounter na tanong pero di ako sure sa isasagot pero de bale na quiz lang naman babawi na lang ako sa finals.

Nakatingala ako sa orasan na nasa itaas na part ng whiteboard. Habang nagsasalita yung mga sumunod na prof sa harapan parang ang bagal ng oras. Atat na akong puntahan si Wrenna. Kapag breaktime na lang kami nagkakasama. Madalas kasi na busy sila. Silang tatlo lang din naman yung pinaka close friends ko sa buong campus. I prefer kasi yung quality over quantity. Ayoko naman ng friends na ayan lang kapag kailangan kanila pero nawawala kapag ako naman yung nangangailangan. Tsaka andaming plastic sa campus namin kaya medyo iniiwasan ko rin yung mga ganu'n. Wala na ren naman akong energy makipag plastikan sa kanila.

Speaking of friendship, naalala ko lang din bigla matagal na pala kaming magkaibigan ni Wrenna. Sya na nga yung pinaka matagal kong maging kaibigan kasi nagkakilala kami noong middle school pa lang.





Walang ibang gustong makipag kaibigan sa'kin noon dahil mga sa kulay ng balat ko tsaka akala nila na english lang yung alam ko. Di ren naman ako nakipagkaibigan sa kanila dahil may kanya-kanya na silang group of friends. Baka isipin nila na umeepal lang ako sa group nila. Medyo okay naman yung  mga unang week ko sa school kaso lang noong tumagal may bigla na lang humarang sa daan ko at balak pa akong i-bully. Sa unang tingin nila talagang natakot ako kasi ang tatangkad nila kumpara sa'kin pero di ako nagpatinag. Di dapat ako matakot dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa'kin.

Masyadong siga kasi yung mga mean girls na humarang sa'kin. Akala naman nila ikakaganda nila ang pam bubully ng mas mababang grade level.  Siguro nga talaga mga spoiled brat yung mga mean girls na yun. Malamang na kulang lang sila sa atensyon kaya yung school yung ginagawa nilang kaharian nila. Nagbilang pa ako ng hanggang tatlo at sa bawat pag bibilang ko ay nakikiusap ako na tumigil na sila pero tinatawanan lang nila ako. Sinabi ko sa sarili ko na di ako susugod ng kahit sino yung mapapakiusapan naman pero ibang usapan na kapag sinagad ang pasensya ko.

Wind Flower [WheeSa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon